The Bad Girl's Gentleman = Code 25 = THERE ARE MOMENTS IN YOUR LIFE THAT YOU JUST JUMP ON. Ang daming moments na dadating sa buhay na ganoon. Minsan hindi natin kinukuha. Minsan game na game tayo. At mayroon iyong pilit. Ito na yata 'yung huli. "Where the hell did Dwight get that?" tanong ng isa sa mga pinsan habang nakatayo kaming lahat at nakatingin sa isang mini bus na mukhang galing pa ng 80's. Kupas na ang kulay nitong blue at pink at pati na din ang mga sitcker na nakadikit dito. "Knowing Dwight...? That bus came from hell," sabi ni Oz. Rinig ko dahil sa accent. Siya na din ang naunang naglakad patungo sa pintuan nitong bukas. "Does Dwight know how to drive a bus?" mahinang tanong ko kay Basil habang nasa labas pa kami. Pinauna na niya kasi ang mga bata at mga pinsan niya. Comp

