Cupid's Gund (PART 6)

1573 Words
LUMIPAT na ang kamay ng orasan sa three pero napakadamot ng antok kay Allen. Pinag-iisipan niya tuloy kung maganda bang ideya na sa silid niya pinatulog si Cupid. Literal na nag-aalala siya kanina nang malaman niya ang nangyari sa sasakyan nito. Hindi malabong kung sinuman ang nagbabanta sa buhay niya ay pinagbabalakan na din si Cupid. He’s just hoping na wala silang alam sa totoong identiy ni Cupid. She might be a good agent but she’s just a human. Tumagilid siya at sa pamamagitan ng munting liwanag na nagmumula sa labas ay pinagmasdan ang nahihimbing na babae. Tumatakip sa mukha nito ang ilang hibla ng buhok nito. Marahan niyang inalis iyon upang mas mapagmasdaan ito. Bahagyang nakaawang ang labi nito. Walang bahid ng mapulang lipstick ngunit namumula-mula pa rin iyon. Hindi niya maiwasang mapangiti kapag naaalala kung paano pinapalitan nito ang lahat ng puting damit ng pula. She liked red and it making her fierce. And that fierceness saved her mom but almost killed him. Kinapa niya ang bahagi ng dibdib na aksidenting nabaril nito habang nakatingin sa mukha nito. Napakadaling kumuha ng ibang bodyguard ngunit nang magising siya at makita ang magandang mukha ng dalaga ay parang bumalik lahat ng lakas niya. She’s Cupid and it felt that she struck him big time. Not with her arrows but with her gun. TAHIMIK na minanmanan ni Cupid sina Ana, Avril at Evan. Sa kanilang tatlo, higit na malapit si Allen kay Evan. Mas madalas silang magkausap sa bahay at sa opisina. May pagka-weird man si Evan kung manumit na madalas ay nilalait ni Ana, wala siyang nakikitang mali dito. Sa kabilang banda, sa magkapatid na Ana at Avril, likas ang pagiging taklesa ni Ana. Kapag may ayaw ito ay tahasang sinasabi nito. Wala itong pakialam kung sino ang kausap at saan nag-uusap. Kabaligtaran naman nito si Avril napakaamo. Ito ang madalas niyang kakwentuhan sa bahay. “You know what, pwede kang model ng La Belle,” excited na pahayag ni Avril pagkatapos ipasukat sa kaniya ang isa sa mga ginagawa nitong design ng damit. “Talaga?” hindi makapaniwalang tanong niya habang umiikot sa harap ng salamin. Red off-shoulder ang dress pero may bell-style ang lampas siko nitong sleeve. “Bagay diyan sa lipstick mo.” “Exclusive from La Belle,” nasisiyahang ngisi niya dito. Lumapit ito sa kaniya at inayos ang pagkakahapit sa bewang ng dress. “More on cosmetics ang La Belle kaya naman tuwang-tuwa ako nang sabihin ni Mommy Elena na nagbabalak silang pasukin ang fashion industry. Tanda ko noon, nagsisimula pa lang kami ni Ate Ana doon bilang simpleng empleyado nang bigyan niya ako ng chance na sumama sa team ng designing.” “Isa ka sa nagde-design ng mga damit?” Umiling-iling ito. “Isinama nila ako sa team pero noong una lang nakukuha ang mga gawa ko...” “Pero magaganda naman ang gawa mo.” Nakita niya ang design na gawa nito. “Nang magsimula kaming tumira dito ni Ate Ana, hindi na halos napapansin ang gawa ko. May nagsasabi na turo lang daw iyon ni Mommy Elena para umangat ako.” Nilingon siya nito sa salamin. “Minsan pa ninakaw nila ang gawa ko.” “Sinabi mo kay Allen?” Tumango ito pero malungkot na ngumiti. “Napaalis ang gumawa noon pero simula din noon ay nag-iba na ang trato sa akin ng mga kasamahan ko. Pero okay lang iyon. Ipapakita ko sa kanila na lahat ng ito ay pinagpapaguran ko. Pasasaan ba at makikilala din ako bilang isa sa magagaling na designer ng La Belle.” Tiningnan niya ang dalagang kumikislap ang mga mata. Nangangarap ito. Ngunit ang pangarap ba nito ang magtutulak dito para saktan ang kapamilya? Sa kanilang tatlo, higit na kahina-hinala si Ana. Ngunit anong magtutulak dito? NASA veranda si Cupid nang dumating si Allen. “Tulala ka diyan,” bulong ni Allen sa punong-tenga ni Cupid sabay pulupot nito ng kamay sa bewang niya. Nagbabalak na siyang sikuhin ito nang muli itong bumulong. “Ana’s watching.” Agad siyang ngumiti ng pilit at hinawakan ang kamay nitong nakapulupot sa bewang niya. Binaklas niya iyon at humarap dito. “Hi, dear. Kumusta ka?” malambing niyang tanong habang pinipisil ang pisngi nito. “Aray... Mashaket nyaman…” “Talaga masakit?” natatawa niyang tanong habang lalo niyang diniinan ang pagpisil sa pisngi nito. “Grabeh ka na Cupid.” Inalis nito ang kamay niya sa pisngi. Napahagikhik siya nang imasahe nito ang namulang pisngi. “Masiyado kang nag-eenjoy diyan,” ingos nito. Humalukipkip siya. “Sino kaya sa ating dalawa ang nag-eenjoy masiyado? Masiyado ka ng nagte-take advantage.” “At nag-eenjoy ka naman sa mga yakap at halik ko.” “Eww!” Inikutan niya ito ng mata. “Maka-eww ka diyan,” turan ni Allen sabay pisil sa pisngi niya. “Awww!” “Ano? Masakit ba?” panggagaya nito sa kaniya kanina. “Ah ganoon?” Nagbabalak na siyang sipain sa binti ito nang umalingawngaw ang mataray na tinig ni Ana. “So, mas pinagkakabalahan mo ang girlfriend mo kesa sa kompanya?” Nagmamataas ang tingin ni Ana sa kanilang dalawa. Parehas silang napatuwid ng tayo ni Allen. “We’re just having fun, Ana. Wala akong nakikitang mali sa ginagawa ko,” seryoso ang mukha ni Allen habang nakatingin sa half-sister. “Wala? Hindi ba paglalandian ang ginagawa ninyo?” Doon na umangat ang kilay niya sa sinabi nito. Kahit kailan hindi niya gusto ang tabas ng dila nito. “Excuse me, Madam Ana. There’s a big difference in being sweet and paglalandian,” nakangiti pero sarkastiko niyang sabat. “Huwag kang makisabat dito, sampid!” Pinanlakihan pa siya nito ng mata habang nagsasalita. “Ana, I’m giving you a fair warning. Don’t you dare talk to Cupid in that way.” “At bakit? Paalisin mo ako sa mansion at sa La Belle?” nanghahamong tanong nito. “Masiyado ka na atang nagiging kampante na ikaw ang magiging tagapagmana ng La Belle.” Nakahalukipkip na humakbang ito palapit sa kanila. “It’s for mom to decide,” kuyom ang kamao na pahayag ni Allen. Dama niya ang galit na pinipigilan nito. Kung hindi marahil babae at half-sister nito ang kaharap ay baka hindi na ito nakapagpigil. “Si Mommy Elena? Come on, we know better na ikaw ang pinili niya dahil ikaw ang totoo niyang anak habang kami ay hindi. Pero kung tutuusin, sino ba sa atin ang tunay na karapat-dapat? Ikaw ba na nasa pedestal kaagad o kami ni Ana na pinaghirapan ang posisyon namin?” Naningkit ang mga mata ni Cupid sa sinabi nito. She’s also after the position. “Ana, that’s a differ—“ “O baka naman plinano mo ang nangyari sa event?” Humulas na ang pinipigilang galit ni Allen. “Watch your words, Ana or else…” “Or else what, Allen? Sasaktan mo ako?” “Da—“ “Allen,” pigil niya dito at niyakap ito sa bewang. “Don’t mind her.” Magsasalita pa sana si Ana ngunit pumasok si Don, ang isa pang bodyguard at driver ni Allen. “Excuse me,” anito sa magalang na paraan. “Nakahanda na po ang kotse, Sir Allen. Aalis pa po ba kayo ni Madam Cupid?” “Hindi na, Don. Kaya nang mag-drive ni Allen at busy sila, ako na lang ang ipag-drive mo,” sabat ni Ana bago inarkuhan sila ng kilay at nagmamartsang tumalikod. Nag-aalangang sumulyap sa kanila si Don. “Sir?” Tinanguan ito ni Allen. “It’s okay. Ipag-drive mo na siya at nang lumamig ang ulo.” Hindi pa ito kaagad umalis sa kabila ng utos ni Allen. Tiningnan pa sila nito bago ito tuluyang lumabas. Tiningala ni Cupid si Allen habang nakayakap pa rin dito. “Are you okay?” “Yeah. I just don’t like how her tongue works.” “Sa palagay mo, hindi kaya si Ana ang…” sadya niyang ibinitin ang sasabihin ngunit kita namang nakuha kaagad nito ang ibig niyang sabihin. “Ganiyan na siya simula pa noong buhay pa si daddy kaya hindi ko na naisip na siya iyon. She wanted shares from La Belle.” “Sabi ni Avril na nagsimula sila sa maliit na posisyon bago narating ang position nila ngayon.” “Dad, want to teach them na hindi lahat makukuha mo sa isang pitik lang. Avril know that but not Ana. Ang La Belle ay pinaghirapang itayo ni mommy nang dumating sa buhay niya si daddy. Sa tulong ni daddy ay tuluyang napalago ni mommy ang kumpanya. Ang iniisip ni Ana ay dapat may share din sila sa kumpanya.” “Which is hindi pinayagan ng daddy mo?” Tumango ito habang pumupulupot ang braso sa may balikat niya. “Thank you sa pagpigil sa akin kanina.” Tumungo ito para halikan ang noo niya. “Madalas talaga ay nakakairita si Ana.” Tiningala niya ito at masuyong tiningnan. Wala na silang ibang kasama o ibang nakakakita pero hindi pa rin nagbago ang pagiging sweet nito. Para na namang lumulubo ang dibdib niya sa excitement. “No worries, dear,” panggagaya niya sa tono nito kanina. Nakangiting akmang hahalikan siya muli nito nang isang malakas na pagsabog ang pumailanlang sa labas ng mansion. Sabay silang napalingon sa labas. Kita nilang tumatakbo si Don habang sumisigaw ng, “Madam Ana!” Nagkatinginan sila at nahihindik na dali-daling tumakbo palabas. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD