ANG nakalipas na tatlong linggo na nagdaan ay tila tatlong araw na lumipas lang para kay Allen. Ikinulong si Don at napatungan ng maraming kaso. Umamin si Don na ito ang nagpasabog sa event ng La Belle. Umamin din itong siya ang naglagay ng bomba sa kotse na sinakyan ni Ana. May mga nakita pang illegal na armas sa silid na inuokupa nito na marahil ay sadyang hinanda nito.
Unti-unti nang gumagaling si Ana. Medyo nabawasan ang pagiging masungit at taklesa nito nang malaman ang nangyari. Pinadala ito ni Allen sa ibang bansa para maoperahan at maipaayos ang mukha at ibang bahagi nitong nasunog. Si Avril ay pansamantalang sumama sa kapatid para mabantayan ito. At si Evan ay nagdesisyon na umalis ng mansion at La Belle. Pinigilan ito nina Allen at Madam Elena pero dala ng hiya ay hindi na nagpapigil. Ito pala ang nagsilid ng babala na protektahan si Madam Elena ngunit para dito ay dapat noon pa siya umamin. Gusto na nitong magbagong-buhay at magagawa lang niya iyon kung malayo siya sa kanila.
Maayos at ligtas na sina Allen at Madam Elena. Smooth na muli ang pagtakbo ng La Belle. At umaasa si Allen na sila rin ni Cupid. Isang linggo itong walang malay sa ospital. Malala ang tinamo nitong sugat at muntik nang may mahagip na internal organs. Sa awa ng Diyos, nakaligtas ito at nang magising ay malakas pa sa kalabaw. Sa buong panahon na walang malay ito, napatunayan niyang nahuli ni Cupid ang puso niya, na para bang sa pag-baril nito ay tinamaan din ang puso niya para dito. Habang wala itong malay ay hindi siya makatulog at makakain. Ayaw niyang umalis sa tabi nito. At palagi niyang pinapalitan ang bulaklak na nasa plorera nito para paggising nito ay maamoy nito ang mabangong mga bulaklak.
“Tulala ka na naman,” napakislot si Allen nang maramdaman ang malambot na kamay ni Cupid sa kaniyang panga.
Binalingan niya ito at masuyong ngumiti. “Pakiramdam ko ay nananaginip pa rin ako. Kasama kita ngayon at maayos na ang lahat. Salamat, Cupid.” Kinuha niya ang kamay nito at hinalikan isa-isa ang daliri niya. “It took you a bullet for me to realize what I really felt for you. Sorry about that, dear.” Kumikirot ang dibdib niya kapag naalala niya ang nag-aagaw buhay na imahe ng kasintan.
Umiling-iling si Cupid. “Tapos na iyon. Pwede na uli akong sumabak sa misyon kaya wag mo nang isipin iyon. Ang mahalaga, ligtas na tayo at mahal natin ang isa’t isa.”
“I love you, dear.”
“I love you, too.” Sumandig ito sa may balikat niya.
“Anyway, tuloy ka pa rin sa The Arrow?”
“Yes. Tatapusin ko lang ang contract ko doon.”
Sinabi niyang nag-aalala siya sa trabaho nito pero tiwala siya sa kakayahan ng kasintahan kaya pumayag siyang bumalik ito sa trabaho. Iyon nga lang, sa kagustuhan niyang makasama ito palagi, nang magising ito ay kaagad niyang inaya itong magpakasal. “Palagi kang mag-iingat,” bulong niya sa tuktok nito.
“Always.” Binigyan siya nito ng mabilis na halik. “Oo nga pala, pinasa sa akin ni Avril ang mga bagong design niya ng wedding gown.”
“May napili ka na ba?” tanong niya habang ipinupulupot ang braso sa bewang.
Lumapad ang ngiti ni Cupid na sinabayan nang pangingislap ng mga mata nito. hindi maganda ang pakiramdam niya sa isang ito. “What with those smiles?”
“Can I have a red wedding gown?”
“Seriously?”
“Yes, and you’ll gonna have a red tuxedo,” bulalas nito na sinundan ng malakas na halakhak.
“Gosh. Heto na nga ba ang sinasabi ko.” Naitingala niya ang ulo bago muling ginawaran ito ng halik sa noo.
Lalong lumakas ang halakhak nito. “Please…”
“Whatever you want, dear.”
“Really?”
“Yeah…”
Saglit siyang tinitigan nito. “Thank you pero kahit gusto ko, I’ll stick with the white wedding gown. It’s a tradition at gusto ni mommy Elena iyon.”
“We can talk to mom.”
“No. Mahalaga iyon sa kaniya kaya ayos lang sa akin.”
“Then, we’ll gonna have another wedding kung saan pwede kang magsuot ng pulang gown at ako’y pulang tuxedo.”
Mukhang hindi inaasahan nito ang sinabi niya kaya napatuwid ito ng upo habang namimilog ang mga matang nakatingin sa kaniya. “Oh Allen!”
Ikinulong niya ang mukha nito sa palad niya. “Maglalagay tayo ng maraming mga pulang puso.”
“At sasabihin ko kay Cam na papuntahin ang mga agent ng The Arrows to shoot some hearts,” natatawang aniya.
Their conversation was getting weirder pero nila mapigilang paganahin ang imahinasyon. One thing they’d realize, pansamantala lang ang lahat. Bakit hindi pa nilalubusin ang pagiging masaya.
“Sure, my dear. It’s our day, and I want you to be the happiest and the most beautiful bride in the world.” After saying those words, Allen kissed her passionately and full of love.
Cupid realized the no matter we stopped ourselves from loving, hindi natin mapipigilan ang puso na magmahal. Titibok ito at titibok para sa tamang taong nakalaan para sa atin. At nakilala niya ang tamang lalaki para sa kaniya nang aksidenti niyang mabaril ito sa dibdib. Nabuhay ito para mahalin siya, pakasalan siya at para iparanas na totoo ang pag-ibig.
At ngayon, habang naglalakad siya suot ang pulang traje de boda patungo sa naghihintay na si Allen. Para bang gaya lang ng first wedding nila. Kumakabog ang dibdib niya sa saya at pagmamahal. Sa kabila nang nagbabadyang luha ay pinangiti niya ang namumulang labi. Love Red. Isa na namang exclusive shade ng La Belle. At suot ang lipstick na iyon, muli niyang mahahalikan ang minamahal na kabiyak.
Truly, red is fierce…
THE END
written by: ShimmersErisJane
*****