CHAPTER 7 Nash's POV Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Bash ay aminado akong kinabahan ako kasi akala ko, iiwan na niya ako dahil sa naging sagutan namin. Pero mabuti na lang at mabuting tao talaga siya at hanggang ngayon ay magkasama pa rin kami. Lalo akong nagpursige na maka-akyat na ng level dahil nahihiya na ako sa kasama ko, hindi siya makabalik sa level 3 dahil sinasamahan niya ako rito. Naging abala na kami sa pag-iisip ng paraan para makapagbura ako ng mga kasalanan ko. Habang nag-iisip kami ay hindi ko maiwasang itanong sa kanya kung gaano karami ang kasalanang nabawas niya bago siya nakaakyat sa level 3. Pero gaya nu'ng nakaraan, ayaw niya pa ring sabihin ang eksaktong bilang...sabi niya lang ay marami. At huwag daw akong mainip dahil darating din ang pagkakataon na makakaaky

