CHAPTER 8 Nash's POV Gaya nga ng napag-usapan ay hindi na namin pinalampas ang pagkakataon na abangan ang mga bagong salta rito sa Domus. Malaking tulong na alam namin ang kulay ng kwintas ng isang no level kaya mas madali naming makita kung dapat ba itong alukin ng tulong. Mas pinaniniwalaan nila kaming tatlo dahil nakikita nilang pareho kami ng kulay ng kwintas, tila tiwala silang may kagaya sila rito. "Paano ako makakaakyat sa Creator na sinasabi n'yo?" Napangiti ako sa tanong na iyon, kahit hindi ko sigurado kung gaano na katagal nang lumipas ang panahon na wala rin akong ideya sa mundong ito, natutuwa pa rin ako na balikan ang mga pagkakataong iyon at ihalintulad ang sarili ko sa mga bago lang. Nag-ipon kami ng maraming tao para sabay-sabay namin silang paliwanagan kung anong lug

