Chapter 12

2078 Words
CHAPTER 12 Nash's POV Hindi ko na inintindi pa ang sinabi ni Kesh, wala rin naman naging kwenta ang naging usapan namin ng dating asawa o girlfriend ni Bash. Ang hirap sa babae, nagtatanong ka lang para pinapalabas nila gusto mo sila agad saktan. Ano bang pakialam ko sa naging away nila? Ang layo naman ng tanong ko sa sinabi niya. Wala na akong nagawa kundi ang hanapin na lang si Bash. Baka kung siya ang kausapin ko ay may mapala ako kahit papaano. Gusto ko talagang malaman kung ano ang maaring mangyari kapag nagawa ko ngang patayin ang lalaking iyon. Pero hindi ko alam kung kanino ko iyon maaring itanong. Hanggang sa nakita ko na sa wakas si Bash. Nakaupo siya at tila nawala na yata sa sarili dahil sa paglalaro niya sa mga daliri niya. Alangan man ay pinili ko pa rin na lapitan siya. Hindi ko alam ang unang bagay na sasabihin ko kaya tinapik ko na lang ang balikat niya bago naupo sa tabi niya. Wala akong balak na usisain siya ng kung ano dahil alam ko na hindi naman 'yon kailangan. Gusto ko lang malaman niya na puwede pa rin niya akong maging kaibigan kahit na ano pang kasiraan ang narinig ko tungkol sa kanya. Dahil sa wala akong maalala sa nakaraan ko, hindi ko rin alam kung nagawa ko na bang magpakalma o makinig sa problema ng ibang tao. Hindi ko alam kung kasama bang nakakalimutan ng mga narito kung nagawa na nilang kumausap ng mga kaibigan nila. Ibig kong sabihin, 'diba parang skill na rin ang pagbibigay ng advice? Sandali akong sinulyapan ni Bash habang nakangisi, tapos ay bumalik siya sa paglalaro ng kanyang mga daliri. "Anong sinabi sa 'yo ng babaeng iyon? Siguro sirang-sira na ako 'no?" Hindi ko siya nagawang titigan kaya gaya niya ay pinaglaruan ko na lang din ang mga daliri ko. "Pare, hindi naman importante kung ano ang mga sinabi niya sa akin. Huwag mo nang isipin 'yon," sabi ko na lang. "Pare...alam mo ba 'yung pakiramdam na gusto mong magpaliwanag pero hindi mo alam paano ka mag-uumpisa?" Napalunok ako at tila iginala ko na lang ang mata ko sa paligid kahit wala naman akong makikita rito kundi puting pader lang naman. Gaya ng sabi ko, hindi ko alam paano magbigay ng payo. Kaya mas pinili ko na lang na huwag iparamdam sa kanya 'yung pagka-ilang ko na sinasabi niya ito sa akin ngayon. "Alam mo sa totoo lang, naiinis ako sa Creator na 'yan, eh. Anong klaseng kalokohan ba 'yung sinabi niyang wala kang maaala na kahit ano tungkol sa nakaraan mo, kung lahat naman ngayon ay naaala ko...lahat ng tungkol sa naging pagsasama namin. Alam mo ba gaano kahirap 'yon?" muling sambit ni Bash. Sa parteng iyon ay naiintindihan ko siya, dahil gaya ng kwento niya ay si mama lang din ang naalala ko. At mahirap na wala kang ibang maaring ipalit na iispin, sa paglalagi ko rito ay parang nakakulong din ang isip ko...limitado ang maaring maisip dahil iyon lang ang alam naming alaala. Sa pagkakataong ito, nagawa ko nang harapin at tingnan si Bash. Mahinahon akong nagtanong sa kanya, "Bakit mo siya pinatay?" Hindi ko alam bakit iyon ang una kong naging tanong. Pero naisip ko lang kasi, bilang naghahanap ako ng mapagbabalingan ko ng iisipin, magagawa ko iyon kapag nagdagdag ako ng alaala sa utak ko. Umaasa ako na magkukwento si Bash at makakatakas na rin ako sa alaala ng nakaraan. "Nash, hindi ko 'yun sinasadya!" sigaw niya. Bakas sa kanyang mukha ang pagmamakaawa na paniwalaan ko siya. "Pero galit na galit siya sa 'yo," sagot ko naman. "Mahirap intindihn ang babaeng iyon, hindi mo maintindihan kung paano mo siya pakikisamahan. Paiba-iba ang gusto niya at palaging parang may bago mula sa iba," aniya. Kumunot ang noo ko. "Anong sinasabi mo?" "Noong nabubuhay pa kami, maganda naman ang naging pagsasama naming dalawa. Isang normal na magkasitahan na maraming binuong pangarap na magkasama at parehong may ambisyon na gustong makamit ng makasama. Pinlano talaga namin na magsama muna at huwag munang magpakasal dahil ayaw niya pang matali at nirespeto ko ang gusto niyang iyon. "Tapos...nu'ng inabot na kami ng limang taon, sinabi ko na gusto ko nang mauwi sa kasal ang pagsasama namin. Siguro dahil natatakot ako na baka tumagal ang pagsasama namin na wala itong kahantungan at baka makawala pa siya. Ang kaso, tumanggi siya at sinabing madami pa raw siyang pangarap sa buhay na gusto niya munang makuha bago siya mag-asawa. Kahit hindi ko naintindihan, pinilit kong intindihin at hindi ko na siya kinulit pa sa bagay na iyon. Samakatuwid, tinanggap at nirespeto ko pa rin iyon. "Pero mula nang araw na tinanggihan niya ang alok ko, nagsimula siyang magbago...palagi na siyang gabi kung umuwi at minsan ay nakainom pa. Nanatili akong tahimik kahit nagtataka na ako sa nangyayari sa kanya. Hinayaan ko siya dahil ayoko ng gulo at ayokong magbago lalo ang timpla niya dahil nga kapag nag-aaway kami, hindi ko siya lalo maintindihan. Palagi kasing kung ano-ano ang sinasabi n'on kapag galit...maliit lang na bagay ang problema, unti-unting lumalaki dahil sa kung ano-ano ang idinadagdag niya. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit niya kaya para hindi na lumala ang pagtatalo, mas pinipili ko nang manahimik. "At dumating na nga sa puntong lalo siyang lumala, hanggang sa umabot na sa puntong may lalaking naka-kotse ang naghatid sa kanya. Nang tanungin ko siya kung sino ang lalaking iyon, nagsimula siyang magwala. Kesyo nagseselos daw ako ng wala sa lugar at parang wala raw ako tiwala sa kanya. Ang dami niya agad sinabi at paratang samantalang isang tanong lang 'yong binitiwan ko sa dami ng tanong na gusto kong ilatag sa kanya. "Sinabi kong ayaw ko siyang patulan dahil alam kong lasing siya at alam kong walang patutunguhan ang pag-uusap namin kung wala siya sa katinuan. Pero hindi siya tumigil sa paninigaw sa akin, kagaya pa rin ng palagi niyang ginagawa, kung ano-ano na naman ang sinabi niya at kung saan-saan na napunta ang usapan na. Hindi ko na matukoy kung saan iyon nagmula... "Nadagdagan ang away na iyon, gabi-gabi kami nagsisigawan sa tinutuluyan naming apartment. Minsan na rin kaming nareklamo sa Barangay dahil sa ingay namin. Sa tuwing naalala ko ang kahihiyang iyon, natatawa na lang ako. Dahil kahit nasa harap kami ng ibang tao, sinisiraan niya ako ng harap-harapan." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa haba ng kinukwento ni Bash. Alam kong hindi pa siya tapos at kailangang kong patuloy na makinig. Pero habang humahaba ang kwento niya, naiisip ko lang din si mama...naiinggit ako kay Bash dahil may ganoon siyang alaala sa taong importante sa kanya. Habang ako, ang tanging alam ko lang ay narito ang lalaking pumatay sa kanya. Gusto ko sanang magtanong kay Bash pagkatapos niyang magkwento, pero sa lagay niya ngayon...parang mas kailangan yata niya ng isang taong makikinig lang sa sinasabi niya at wala siyang maririnig na kung anong komento mula sa taong iyon. Maswerte siya dahil wala akong balak na isipin pang muli ang problema niya. Muli siyang nagsalita, "Paulit-ulit kong naririnig sa kanya na dapat na akong magbago, dapat kong isipin ang kapanakan ng iba at hindi puro sarili ko lang, dapat kong subukan na kumilos, dapat kong tumayo sa sarili ko...pero anoman sa mga iyon ay hindi ko maintindihan! Hindi ko alam kung anong gusto niya at kung saan ba talaga nagmula ang problema namin!" Lumingon akong muli sa kanya. "Paano mo siya napatay?" Maharas siyang tumingin sa akin, gulat na gulat ang mukha niya at tila hindi inasahan na itatanong ko 'yon. Pinanood ko lang siya nang sabunutan niya ang sarili niya. "Nu'ng gabing iyon, nag-aaway ulit kami...wala siyang tigil sa kabubunga ng mga salitang paulit-ulit ko nang naririnig mula sa kanya. Hanggang sa..." Kumunot ang noo ko nang iangat niya ang dalawa niyang kamay, nanginginig ito...tila nakikita kong bumalik sa alaala niya ang totoong nangyari ng gabing iyon. "Kusang lumapat ang dalawang kamay ko sa leeg niya...sinasabihan ko siyang manahimik habang humihigpit ang hawak ko sa kanya. At nang matauhan ako...hindi na siya humihinga," dagdag pa ni Bash. Napapikit ako. Ganoon nga siguro ang magagawa ng taong nakain na ng galit at kahihiyan. Maaring may ibang bagay na naranasan si Bash nang araw na iyon na dulot ng pagbubunga ng babaeng iyon na hindi na niya naaalala dahil wala namang koneksyon sa kanilang dalawa. Marahil iyon ang nagtulak kay Bash para mapatay ang asawa niya. "Naalis na ba ang kasalanang iyon sa pahina mo?" tanong ko. "Hindi pa. At hindi ko alam kung paano ko mabubura ang kasalanan ko na napatay ko si Mosh." Kumunot ang noo. "Mosh?" "Iyon ang pangalan niya rito, Mosh." Napatango ako ng bahagya at muling nagsalita. "Binanggit mo sa akin dati na kung ano ang pinakamabigat na kasalanan mo na nakalista, maalala mo iyon. Ito na rin ba ang pinakamabigat na kasalanang nagawa mo?" Hindi niya ako sinagot, isang tango lang ang ginawa niya. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit nagawa niyang ikuwento rin sa akin ang buong detalye ng ginawa niyang pagpatay kay Mosh. "Alam mo rin ba kung ano ang pinakamabigat na kasalanang nagawa ng girlfriend mo rito?" muli kong tanong. "Hindi, wala akong ideya. Sa tuwing magkikita kami, wala siyang ginawa kundi itaboy ako," aniya. "Nang makaharap ko siya, wala siyang ibang bukambibig kundi ang galit niya sa 'yo. Gaya nga ng naikuwento mo na sa akin, puro nga panlalait at pang-iinsulto ang ginagawa niya. Maaring ang mga sinabi niya kanina ay pareho lang din ng mga sinabi niya nu'ng nabubuhay pa kayo," sabi ko naman. Agad siyang tumango. "Halata naman, 'diba? Noon pa ay sagad na sa buto ang galit niya sa akin, at ngayong napatay ko siya...lalo pang tumindi ang galit niyang iyon." Napatango rin ako. "Bash, maaring may balak din siyang patayin ka." Bumaling ang tingin niya sa akin. "Pero hindi niya puwedeng gawin iyon! Kapag ginawa niya iyon, matutulad siya sa 'yo!" Kumunot ang noo ko. "Bakit ba iniisip mo pa kung ano ang sasapitin niya? Sa dami ng pamamahiya niya at pagsasalita ng kung ano-anong walang basehan tungkol sa 'yo, wala ka na dapat pakialam pa sa kanya! Dapat lang siyang mabulok dito dahil masama siyang babae!" "Nash, naman. Huwag mo namang pagsalitaan ng ganyan si Mosh sa harap ko. Aminado akong napatay ko siya at mali ang nagawa kong iyon. Pero kahit papaano, mahal ko pa rin siya...kaya masakit pa rin para sa akin ang makarinig ng ganyang paratang tungkol sa kanya." Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko akalain na may ganitong tao pala, tanga pagdating sa pag-ibig. Tinapakan na ang p*********i niya at sinusuka na siya...pero mahal pa rin niya. Tama ba 'yun? "O sige, hindi na. Ganito na lang, magkaiba kami...dahil ako, nagkaroon ako ng kasalanang pagpatay—" Nahinto ako sa pagsasalita nang maisip ko iyon bigla. Mabilis ko siyang hinawakan sa kwelyo. "Paano ako nagkaroon ng kasalanang pagpatay sa pahina ko?! Ibig bang sabihin ay napatay ko ang lalaking iyon?!" Nakita ko ang paglaki ng mata niya. "Hindi ko alam. Dahil nang mapaupo ka, ikaw na ang inasikaso ko. Hindi ko na siya nagawang lingunin dahil nawalan ka na ng malay. Inalalayan na kita at dinala sa kwarto mo noon." Bakit ngayon ko lang naisip? Napatay ko ba talaga ang lalaking iyon? Kung gan'on...naipaghiganti ko na nga ba ang mama ko?! Muli akong lumingon sa kasama ko. "Nagawa kong bigyan ng hustisya ang kamatayan ng mama ko!" anunsyo ko. Tuwang-tuwa ako at kulang na lang ay magtatatalon ako sa sobrang saya. Abot langit ang ngiti ko at daig ko pa ang nakaubos na ng kasalanan sa pahina. Pero imbes na maging masaya si Bash para sa akin, lalong lumungkot ang mukha niya at tila nabalot pa ito ng pag-aalala. Tila bumalik sa alaala ko na oo nga pala, may problema pa siya at hindi ako dapat nagsasaya. "Pasensya na pare, nadala lang ng emosyon. Nakalimutan ko—" "Oo, Nash. Nakalimutan mo kung gaano kabigat ang kalokohang nagawa mo!" Kumunot ang noo ko sa tindi ng galit sa mukha ni Bash. Sinubukan kong magpiliti ng ngiti para kumalma siya. "P're bakit—" "Bakit?! Tinatanong mo pa 'ko kung bakit?! Pare, ngayong nakumpirma nating nakapatay ka nga rito sa Domus, sa tingin mo ba may pag-asa ka pang makalabas dito?!" Tila muli na naman akong sinampal ng katotohanan. Kahit pala ang taong namatay na, hindi pa rin mabibigyan ng pagkakataong maging payapa ang kanyang paghimlay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD