CHAPTER 39 Nash's POV Pinayuhan ako ni Ash ng mga maari kong gawin para makuha ko rin ang kalayaan ko rito sa Domus. Pinaalalahan niya ako na hindi ko dapat kalimutan ang ibang bagay na ginagawa ko dahil dagdag blessing din iyon. Hindi ako dapat magpaapekto sa mga nalaman ko ngayong rebelasyon. Kaya kahit alam ko na ang sikreto para mabura ko ang kasalanan ko rito sa Domus, dapat ko pa ring ituloy ang balak kong samahan si Bash hanggang sa makalabas siya at matulungan ko rin si Desh na makausap si Hash at magka-ayos na rin sila. Ngayon ko napagtanto na nakatanggap akong blessing nang tuluyang nagka-ayos ang magkasintahang iyon. Kaya tiyak ko na kapag nagkabati rin sina Desh at Hash ay magkakaroon ulit ako ng dagdag blessing. Ang tanging hiling ko na lang ay sana maging level 3 na rin ak

