CHAPTER 38 Nash's POV Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na talagang ayos na sina Bash at Mosh. Parang kailan lang ay todo ang pilit ko sa babaeng iyon na kausapin muli ang dati niyang nobyo para makipag-ayos. Todo pa ang pagtanggi niya noon at halos isuka niya na ang kaibigan ko. Galit na galit siya at kulang na lang ay saksakin niya ito ng paulit-ulit. Habang si Bash naman ay hindi na naalis ang ngiti sa labi niya dahil hindi na sila naghiwalay pa ni Mosh. Mula kanina nang lumapit silang dalawa sa amin ay magkadikit na sila at hanggang ngayon ay magkadikit pa rin. Hindi na sila mapaghiwalay. Bumalik din sa alaala ko ang mga hirap at pagtitiis ni Bash makarating lang sa puntong ito. Pagkatapos ng mahabang panahon, sa wakas ay natuldukan na talaga ang away sa pagitan nilang dala

