CHAPTER 31 Nash's POV Wala akong ibang pagpipilian kundi ang bitiwan na lang talaga muna si Desh. Tumayo ako na para bang ipinapakita ko sa kanyang hindi ko siya aatrasan. "Sinasabi ko na nga ba, hindi talaga mapagkakatiwalaan lahat ng mahina," ani Rash habang nakangisi na naman. Sa tuwing ipapakita niya sa akin ang ganoong ngisi, wala akong ibang nararamdaman kundi mas matinding galit sa kanya. Nakakapagod siya harapin pero hindi ko matanggap sa sarili ko na hanggang ngayon ay nakakatayo pa rin siya harapan ko. Masama ko siyang tinitigan. Ngayon ay hindi na lang ito tungkol kay mama. Naiinis ako isipin na ngayon ay mahina na ang tingin niya kay Mosh. Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa pagpait bigla ng tingin niya nang hindi na talaga bumangon ang babaeng nasa harapan namin. Tinawag na

