CHAPTER 30 Nash's POV Hindi na kami nagtagal sa lugar na iyon, pagkatapos ng sandaling pag-uusap kasama sina Dash at Kush, napagpasyahan na rin naming tatlo na bumalik sa opisina ni Ash. Ikinatuwa ko na naging maayos ang naging pag-uusap namin, kahit paano ay alam kong tutulong sila sa amin. Nakatulong ang paghuli ko sa kanila para bigyan nila ako ng respeto na mas malakas ako umano sa kanila. Kahit ang totoo ay nautakan ko lang naman talaga sila. Wala nang masyadong nangyari, nagkwentuhan lang kaming tatlo pauwi. Sana lang ay dumating ang pagkakataon na makumpleto kaming apat at kasama namin si Kesh. Pero kung paiiralin niya pa rin ang topak niya, imposible talagang mangyaring iyon. "P're, totoo ba ang tiwalang ipinapakita mo sa kanila? O nang-uuto ka na naman?" ani Bash. Heto na nam

