Chapter 15

1921 Words
CHAPTER 15 Nash's POV "Bakit mo 'yun ginawa?! Nakita mong nag-uusap kami, 'diba?!" "Wala akong pakialam sa pag-usap ninyo. Ang utos ni Rash, patayin ang lalaking 'yan. "Mali ka! Hindi mo pa siya puwedeng patayin dahil hindi ko pa nakukuha ang gusto ko! Kasama sa usapan namin iyon ng lalaking kasama mo!" "At ano ang gusto mo? Kumampi sa kanya? Bumaliktad sa kasunduan natin? Baka gusto mo ikaw na ang unahin ko bago ang lalaking 'yan?!" "Puwede bang makinig ka muna?! Narinig mo naman ang naging usapan namin, 'diba? Ang sabi niya, kailangan ko lang kausapin ang lalaking kasama niya at kapag napagbigyan ko na 'yon...papatayin na niya ito! Sa ganoong paraan, hindi na madudungisan ang kamay natin na pumatay—" "At nagpa-uto ka naman! Hirap sa inyong mga babae, masabihan lang kayo ng ilang mabubulaklak na salita, bibigay na kayo! Hindi ka muna nag-isip!" "Bakit? Bawal ba akong magpa-uto sa iba? Nagpa-uto rin naman ako sa inyo, 'diba? Naniwala akong tutulungan n'yo 'kong makapaghiganti sa lalaking pumatay sa akin. Iyon pala gagamitin n'yo lang ako para mapatay ang lalaking 'yan!" "Hindi ka talaga nag-iisip! Makinig ka, hindi natin kailangan lang tulong ng lalaking 'yan para patayin ang lalaking gusto mong patayin. Kayang-kaya naming gawin ni Rash iyon, kung gusto mo sa harapan mo pa, eh! Kaya puwede ba, huwag kang nadadala basta-basta sa naririnig mo? Sasayangin mo lang ang oras mo sa pakikinig sa walang kwentang ideya niya." "Kung ganoon, papatayin mo na ba siya ngayon?" "Oo, bakit? Huwag mong sabihing nag-aalangan ka na ngayon?" "H-hindi ko kayang pumatay..." "Gusto mong patayin ang taong pumatay sa 'yo sa dati mong buhay, pero hindi mo kayang pumatay ngayon? Anong utak ba ang meron ka? Saka sino ba ang nagsabi sa 'yong ikaw ang papatay? Narinig mo namang sa akin iniutos 'yon, 'diba? Alam ni Rash na wala kang nakalistang kasalanan na 'pagpatay' sa pahina mo kaya hindi niya iyon ipapagawa sa 'yo." Nakakarinig ako ng isang lalaki at babaeng nag-uusap. Malinaw ang dating sa akin ng naging pag-uusap nila at unti-unti ay bumalik sa ala-ala ko ang mga nangyari...nawalan pala ako ng malay habang nag-uusap kami ni Mosh dahil sa pagsipa sa akin ng kalaban. "Sige, wala naman akong magagawa kundi sumunod, eh. Lalabas na lang muna ako, bahala ka na riyan." Iyon ang huling bagay na narinig kong sinabi ni Mosh, pagkatapos ay narinig ko ang paglakad niya palayo sa akin. At hindi siya puwedeng umalis sa kwartong ito dahil siya na lang ang pag-asa ko para makalabas pa rito ng buhay. "Nakakalungkot na iiwan mo agad kami," buong tapang kong saad. "Nash!" ani Mosh. Dahan-dahan akong bumangon, mula kanina ay pinipilit ko na ang sarili kong bumangon sa kabila ng sakit ng buo kong katawan. Nang tuluyan akong nakatayo ay ngayon ko napagmasdan ng malapitan ang mukha ng lalaking kasama ni Mosh na napag-alaman kong Hash ang pangalan. May kalakihan pala talaga ang katawan niya sa akin. At aminado akong masakit talaga siyang manuntok at manipa. Isang tawa mula kay Hash ang umalingawngaw sa buong kwarto. "Bilib din ako sa 'yo, may tapang ka pang tumayo. 'Yung iba kasi, maiisip na magpanggaap na lang na patay para iwan sila," komento niya. "Pasensya na kung medyo na nadismaya ka. Pero kapag nasabi ko na kasing alam ko na ang kahinaan ang isang tao, siya ang dapat matalo at hindi ako." Tumaas ang kilay niya. "Huh? Anong sinasabi mo? Kulang na nga lang magkapira-piraso ang katawan mo, eh!" "Magkapira-piraso man ang katawan ko, hindi ka pa rin nananalo!" "Talagang inuubos mo pasensya ko—" "Mosh, hindi pa tayo tapos mag-usap." Ibinaling ko ang tingin ko sa kasama niyang babae. Kailangan kong ilayo ang usapan sa balak niyang gawin, ito lang ang tanging paraan na alam ko para makapagpahinga ako. Kailangan ko ring mag-isip ng paraan paano ako makakatakas sa dalawang ito. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. "Talaga bang ipipilit mo pa 'yan?! Hindi mo ba naiintindhan na ayoko na nga makausap ang taong iyon. Sagad sa buto ang galit ko sa kanya kaya hindi mangyayari ang gusto mo!" aniya. Napalunok ako, nauubusan na ako ng ideya paano mapapatagal ang usapan...hindi ko pa kayang gumamit ng virtus sa ganitong pagkakataon. "Ibig mong sabihin, hindi na matutuloy ang usapan natin? Akala ko ba—" "Puwede bang manahimik ka na?! May sarili kaming plano para tapusin kayong dalawa at wala ka nang magagawa para kontrahin pa iyon, dahil mahina ka lang..." ani Hash. Ngumisi ako sa kanya. "Nabanggit mo 'yan, nagtataka ako kung sino 'yung isa n'yo pang kasama. Bakit hindi siya nagpapakita rito? Bakit hindi siya ang mismong pumatay sa akin? Bakit ginagamit niya ang galit ni Mosh sa kaibigan ko para saktan ako? Ikaw, bakit ka nagpapa-uto sa taong 'yon?" Nagpapasalamat na lang ako dahil gumagana ang naiisip kong paraan para makapagpahinga. Umaayon pa rin sa akin ang lahat. Ibinaling ko ang tingin ko kay Mosh. "May pagkakataon ka pa para magbago ng isip. Ipinangangako ko sa 'yong tutupad ako sa usapan, dahil pangako ko rin iyon kay Bash." Napalunok ako. Hindi ko sigurado kung gaano katagal ko pa silang mapapaikot. Pero mabuti na lang at base sa tingin sa akin ni Mosh ay medyo nagdududa na rin siya sa kasama niya. Mabuti na lang din at natutunan kong buksan ng kapiraso ang isip ko para ipakita sa kanya na mapagkakatiwalaan akong tao. "Wala kang kwentang tao kaya hindi ka pinag-aaksayahan ng panahon ni Rash," ani Hash. Naningkit ang mata ko. Rash? Iyon ba ang pangalan ng lalaking nag-utos sa kanilang sugurin ako? Pero ano nga bang kasalanan ko sa kanya? Kilala ko ba siya sa dati kong buhay? Ngumisi ako. "O, talaga? Baka naman talagang wala lang kwenta ang virtus ng kasama mo kumpara sa virtus ko kaya hindi siya nag-aaksaya ng sinasabi mong oras niya?" Kung hindi mo sasabihin sa akin ng diretsa ang isang bagay, itatanong ko sa 'yo 'yon ng sapilitan! Humalakhak si Hash na para bang nagbitiw ako ng pinakanakakatawang biro sa buong Domus. "Hindi mo siya kilala, wala kang ideya kung gaano kalakas ang virtus niya!" Napakagat ako sa labi. Hindi pala madaling utuin ang isang ito. Ibinaling ko ang tingin ko kay Mosh. "Sigurado ka ba sa grupo ng sinalihan mo? Hindi ka ba nagdududa na baka pagkatapos ka nilang pakinabangan, ikaw naman ang papatayin nila?" "Huwag ka nang magpatawa, bata. Akala mo ba hindi ko napapansin ang ginagawa mo? Kinakausap mo kami para—" "Para makapag-ipon ng lakas nang sa ganoon ay magawa ko ang balak ko na alisan ng bisa ang virtus mo, tama ka ng hula. Isang galaw mo lang, kayang-kaya ko nang gawin 'yon." "Anong sabi mo?" kunot noo niyang tanong sa akin. Pagkatapos ay ibinaling niya ang tingin niya kay Mosh. "Anong sinasabi niyan? Wala kang nabanggit na may ganoon siyang kakayahan!" Ngumisi ako habang naglalakad palapit sa pintuan. Sapat na ang mga ginawa kong pakikipag-usap para ma-uto sila. Sa oras na makalabas ako rito, sigurado na ang panalo ko. Habang sandali silang nagtatanungan, nagkaroon ako ng pagkakataon na makasandal sa mismong pinto ng kwarto. "Wala talaga siyang alam dahil hindi ko naman sinabi sa kanya. Pero ang totoo, kanina ko pa hinahanda ang sarili ko para alisin ang virtus mo." "Anong sinasabi mo?! Walang ganoong virtus!" aniya. "Sigurado ka?" pang-aasar ko. Isang ngisi ang gumuhit sa mukha niya. At sa oras na maglaho siya sa harap ko, sigurado na ang panalo ko. Gaya ng inaasahan, lumitaw siya sa harap ko na may nakaambang suntok. Isinakto ko ang kamay ko para mahawakan ang kamao niya sa muli niyang paglitaw. Nanlaki ang mata niya nang mahawakan ko ang kamao niya. Napangisi naman ako at agad na ginamit ang virtus ko para gawin ang gaya ng sinabi ko sa kanya. "Hash! Huwag mo siyang hahawakan!" sigaw ni Mosh. Pero huli na ang lahat, nagawa ko nang alisan ng bisa ang virtus niya. Hindi ko alam kung gaano katagal ang epekto nito, pero sa palagay ko ay hangga't kaya kong panatilihin na huwag siyang pagamitin ng virtus ay iyon din ang tagal ng kapangyarihan ko sa kanya. Noong una, kinabahan ako kasi akala ko hindi ko magagawa, dahil kahit kailan naman ay hindi ko pa talaga ito nagawa. Pero ngayong level 1 na ako, alam kong may nadagdag sa kakahayan ko. Sa madaling salita, isa lang itong eksperimento kaya tiniyak ko na nasa labas na ako ng kwarto sa oras na subukan ko ito. Sa unang naging laban ko sa lalaking pumatay kay mama, nalaman ko na kaya kong alisan ng bisa ang virtus ng iba. Pero sandali lang iyon, nagagawa ko lang siya kapag napalapit sa akin ang bagay na ginamitan ng virtus o 'yung mismong tao na may gamit ng virtus. At ngayon, kaya ko nang hindi pagamitin ng virtus ang target ko hangga't kaya ng katawan ko. Pagkatapos kong gawin ang balak ko, mabilis akong umatras palabas ng kwarto. Salamat sa paulit-ulit niyang bugbog sa akin at nagawa ko nang masanay sa sakit. Ngumisi ako sa kanilang dalawa...sigurado na ang panalo ko! Hindi na problema sa akin si Mosh, walang kaso sa akin kung nagagawa niyang magbasa ng isip ko dahil natutunan ko na rin kontrolin ang daloy ng iniisip ko. "Isa ka na lang ordinaryong tao," pang-aasar ko kay Hash. "Anong ginawa mo?!" aniya. "Gaya ng sabi ko, inalis ko ang virtus mo." Ang isang bagay na walang patunay na ito ay totoo ay isang bagay na rin na matatawag mong kasinungalingan. Hindi ako nagsisinungaling na maaalisan ko ng bisa ang virtus niya, pero sa tulong ng pag-aakala niyang habang buhay na siyang mawawalan ng virtus...nakatulong iyon sa akin para hindi siya gumawa ng kahit anong kilos laban sa akin. Samakatuwid, hindi pa rin ako naging sinungaling dahil napatunayan ko pa ring naalis ko ang virtus niya. Hindi ko na kasalanan kung iba ang naging dating sa kanya ng sinabi ko. "Magbabayad ka sa ginawa mo!" sigaw ni Hash saka patakbong lumapit sa akin. Ngumisi ako sa kanya nang mailagan ko ang suntok niya. Totoo na malakas ang bawat suntok at sipa niya, pero kung wala ang virtus niya, hindi niya ito maipapamalas...dahil hindi talaga siya marunong sumuntok nang harapan! "Hanggang diyan na lang ba ang kaya mo?" sabi ko. Patuloy siya sa pagsuntok at patuloy lang ako sa pag-iwas. Sandali siyang tumigil at hinarap ang kasama niya. "Wala kang silbi! Tatayo ka lang ba riyan? Basahin mo kaya ang laman ng isip niya at sabihin mo sa akin kung ano ang susunod niyang kilos?" pagalit na sigaw ni Hash kay Mosh. Napatingin din ako sa kanya, pagkabahala na ang nakapinta sa mukha niya at tila kabado na siya dahil sa nangyayari. Maaring nag-iisip na siya na matatalo sila at magsisisi na siyang hindi niya sinunod ang kasunduang inalok ko sa kanya. "Wala akong mabasa sa isip niya kundi..." "Ano?!" "Mahina ka kaya matatalo kita." Dahan-dahang bumaling ang tingin niya sa akin. Naging rason iyon para tumawa ako ng malakas. "Akalain mong tinawag kang mahina ng kasama mo?" pang-aasar ko. Hindi siya sumagot sa akin. Nagpakawala siya muli ng suntok at iniiwasan ko lang iyon. At sa muli niyang pagsuntok, nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang kamay na sumalag sa suntok ni Hash. Paglingon ko, napangiti ako sa lalaking katabi ko. "Bash! Mabuti na lang at nandito ka na!" anunsyo ko. Ngumisi siya habang nakaharap pa rin kay Hash at hawak pa rin niya ang kamao nito. "Pasensya at natagalan. Pero ngayon, ipapakita ko sa 'yo kung paano ako manuntok."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD