PROLOGUE
PROLOGUE
"Anak, makinig ka sa akin. Huwag na huwag kang magsasalita. Naiintindihan mo?" Pinagmasdan ko ang aking ina na nagsa-sign language sa harapan ko.
Para siyang natataranta na hind ko maintindihan. Hinarap niya ako at hinila sa isang gilid.
"Bakit, Ma? Bakit hindi na ako pwede magsalita?" tanong ko sa kaniya nang huminga naman siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko.
"Dahil nagsabi ka ng totoo... at noong nagsabi ka ng totoo ay namatay ang tatay mo."
"Pero ang sabi ni Papa, huwag akong magsisinungaling, Ma."
Pinunasan naman ni mama ang kaniyang luha at sandali lamang nang may isang kalabog sa aming pintuan. Ngunit hindi iyon doon natapos, parang sinipa na iyon ng malakas kaya't agad tumambad ang mga naglalakihang lalaki.
"Nasaan siya?" Tanong iyon ng lalaki.
Pumasok ang limang naka itim na suot at mga armadong ginoo na agad namang ikinatakot ng aking katawan. Tumambad sa isip ko kung ano ang nangyari noon. Bumalik iyon lahat sa akin.
"S-Sino ang hinahanap niyo?" Lumapit si mama, ngunit ganoon na lamang nang malakas itong sampalin.
"Alam mo kung sino ang hinahanap namin. Nasaan si Carlo!" sigaw na iyon ng lalaking sumampal kay mama.
Humakbang ang paa ko nang umiling si mama.
"H-Hindi ko alam kung nasaan ang anak ko! Maawa kayo, huwag niyo akong saktan sa harapan ng anak ko!" nagmamakaawang bigkas ni mama nang mariin siya nitong sampalin ulit.
Umawang ang dugo sa labi ni mama at nang sandaling iyon ay namuo naman ang tubig sa aking mata.
Hindi ko alam ang gagawin ko...
"Boss," ani ng lalaking sumampal kay mama.
Sa bigat ng pakiramdam ko nang makita ko ang isang lalaki. Sa itsura nito ay mas matanda ito sa amin ng kuya kong si Caleb.
Nauna ang tingin nito sa akin at agad naman na lumipat sa aking ina.
Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang makita ko siyang humakbang pa muli. Matangkad ito, nakasuot ng isang itim na may pinaghalong abo na kasuotan. Sa tindig pa lamang ay alam kong mayaman at lalaking ito, hindi siya tulad namin na naghihikamos sa kahirapan.
Mukha siyang anghel at tingin ko'y may lahi.
"Tell me... where he is?" Pa isa-isa niya iyong itinatanong sa mama kong naiyak na sa lapag. "H-hindi ko po alam talaga... parang awa niyo na."
Saglit pa lamang ay nanlaki na ang mat ako nang maglabas na siya ng patalim at itutok iyon sa leeg ni mama.
"Tell me now."
Natabig ko ang baso sa mesa nang mabasag iyon sa gilid ko. Mabilis tumibok ang puso ko, ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Alam kong sa akin na siya ngayon nakatingin.
At hindi nga ako nagkakamali...
"You'll not tell me? She will..." Inumpog ng lalaki ang ina ko sa lapag. Tumayo ito at agad naman na pinagpagpag ang kaniyang mamahaling kasuotan.
Papalapit na ito sa akin nang dahan-dahan akong lumalayo. Kabadong-kabado sa kung ano man ang pwede niyang gawin sa akin.
Nanginginig ang labi ko... maging ang tuhod ko.
"Now, child. Where's your brother?" Tanong niya sa aking harapan.
Napalunok na lamang ako at sandaling napakurap sa takot. Nanunuyot ang lalamunan sa hindi mapaliwanag na dahilan. Ilang hangin na ang lumalabas sa bibig ko't maging ang luha ko ay namumuo na't tutulo sa aking pisngi.
"'Wag ang anak ko! 'Wag mo siya takutin! Hindi siya nakakapagsalita! Pipe ang anak ko!" malakas na tinig ni mama na parehas naming tinignan ng lalaki sa harapan ko.
Lumingon naman siya muli sa akin at lumabas ang isang nakakatakot na ngiti.
"Okay..." ani ng lalaki.
Inakala kong iyon na... matatapos na. Ngunit hindi... mabilis niya akong sinakal na ikinalaki ng aking mga mata.
"Now f*****g tell me, where he is?! I don't care if you can't f*****g talk!"
"Utang na loob! Huwag ang anak ko! Huwag ang anak ko! Huwag mo siyang saktan! Hindi namin alam kung nasaan si Caleb! Hindi ko alam kung ano ba ang ginawa ng anak ko sa inyo! Wala kaming kinalaman!"
Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak na lamang. Para akong nawawalan na nang hininga. Ang kaniyang palad ay nakakapit pa rin sa aking leeg.
Nanlalaki na ang aking mga mata nang sandali lamang ay ibalibag ako nito sa harap.
Habol-habol ko ang aking paghinga at dahan-dahan na inaabot ang kamay ng aking ina nang hawakan ng lalaki ang aking buhok.
Mabilis niyang pinunit ang pang itaas na damit ko at doon tumambad sa kaniya ang marka sa aking dibdib. Hindi ko magamit ang boses ko para sumigaw... wala akong magawa.
"Huh... he really killed my wife, huh?" hindi ko maintindihan. Hindi mamatay tao ang kapatid ko.
"Walang pinatay ang anak ko!" si Mama.
"Explain this to me, then..." Saka niya ako iniharap kay mama. Umiiyak akong nakaharap sa kaniya at ganoon din siya sa akin.
"My wife's body... came back not alive and her heart is missing. If I'm not mistaken... if I'm not f*****g mistaken... this is my wife's heart."
Nanlaki naman agad ang mata ko sa narinig. Oo, naoperahan ako. Oo, ang sabi ni kuya ay may nag-donate ng puso para sa akin. Hindi magagawa ni kuya na pumatay at kumuha ng puso ng ibang babae para sa akin.
Hindi na sumagot ang ina ko, ganoon ko na lamang na pagtanto na totoo ang sinasabi ng lalaking ito sa likod na hawak-hawak pa rin nang mahigpit ang buhok ko.
Mabilis niya akong hinarap sa kaniya. Pinagmasdan niya ang aking mukhang napupuno na ng luha.
Kitang-kita ko ang galit sa kaniyang mata. Napupuno siya ng lungkot at galit... isang taon na nang maoperahan ako. Mahina pa rin ang katawan ko, pero nakakalakad na at nakakagawa ng ibang gawain na makakatulong sa bahay.
Isinara ko ang aking kanang kamay at nagmistulan iyong hugis kamao saka ko itinapat sa aking puso.
Pinagmasdan ko ang kaniyang mga mata. Walang boses na lumabas sa aking bibig...
Saka ko pinaikot ang kamao ko sa aking dibdib. Mistulang humihingi ng paumanhin sa kaniya.
Umiwas siya ng tingin sa akin, hindi ko alam kung bakit nakitaan ko siya ng lungkot muli sa kaniyang mga mata.
Nabawi naman niya ang tingin na iyon nang itulak niya ako sa mga lalaking malalaki na kasama nito.
"Saan niyo dadalhin ang anak ko?! Calleya! Calleya!" Sa bilis nang paghila sa akin ng mga lalaki ay hindi ko na nakita pa ang aking ina.
"I'll take her. Tell your son that I'll kill her precious little sister... I'll open her chest just like he did to my wife..." iyon ang huling narinig ko na sinabi.
Nilalabanan ko ang higpit sa aking dibdib. Hindi ako pwede matakot, magalit o kabahan ng ganito... ngunit ganoon na lamang nang balutin ng itim na kulay ang paningin ko.