ALEXIS ALEJO "Bluaaarrrgggghhh!" ang biglang suka ni Terrence sa gilid ng harang. Bahagya akong natawa sa naging itsura niya! "Sisiw lang ha? Ano ka ngayon?" tatawa-tawang asar ko sa kaniya. Mayamaya'y tumigil na ito sa pagsusuka. Inalalayan ko siyang tumayo. "Ayos ka lang?" nakangisi kong tanong. "Ano ba sa akala mo?" angil niya sa akin. "Oh, mukhang ok ka na nga," kaya binitawan ko na siya pero agad ko rin siyang nahawakan ng muntik na siyang mabuwal sa lupa. Tumingin siya sa akin ng matalim. "Hindi ako ok, bulag ka ba?!" angil niya. Ngumisi ako ng nakakaasar. "Kala ko ok ka na eh, kung makaangil ka na kasi riyan." "Tsk!" palatak niya, nakasimangot pa rin siya. "Huwag mo ako simangutan dahil wala akong kasalanan saka akala ko ba gusto mo magstart tayo as friends?" sita ko sa

