ALEXIS ALEJO Date daw—DATE????? Nanlaki ang mata ko. Anong date?! Sinamahan ko lang siya kasi bodyguard niya ako tapos date daw?! Grabe din ang style ng taong 'to noh sa pag-aaya ng date! Sapilitan talaga?! Bago pa man ako makasagot ay muli niya akong hinila at pumasok kami sa loob ng restaurant. Nang samahan kami ng waiter sa isang mesa, nakasimangot pa rin ako. Nang umalis na ang waiter at habang pumipili si Terrence sa menu, hindi ko napigilang magtanong... "Oi. Ganito ka ba talaga mag-aya ng date? Sapilitan?" pigil kong tumaas ang boses ko pero hindi siya kumibo para bang walang naririnig! Loko talaga! "First time mo ba sa ganito kaya hindi mo matanong ang isang babae ng date? Lol! Wala ka pa siguro naging jowa ano, kaya ako itong pinagdidiskitahan mo? Hah! So gusto mo pala mar

