TERRENCE ALTAMONTE Nakakaasar talaga siya! Ako na nga 'yung nakikipagbati tapos sasabihan nya pa ako ng ganun?! Hindi daw sincere! Hah! Hindi na uli ako makikipag-ayos sa babaeng 'yon! Tss! "Mr. Altamonte." Paakyat na sana ako ng hagdan ng marinig ko ang boses niya. Tinignan ko ng masama ang nakakainis na babaeng 'yon! Ngunit... bigla din akong napaiwas ng tingin... sabay kumakabog ang dibdib ko. Oy! Oy! Ano na naman 'to?! Paano ba naman kasi... ang cute niya sa wet look! Sh*t! Ano ba 'tong iniisip ko?! "Pasensiya na kung hindi ako naniniwalang seryoso ka na makipagbati sa akin... Look, sino ba naman kasi ang maniniwala sa intensyon mo na may kasamang prank? What's the purpose of the prank? Kung ikaw nasa kalagayan ko, will you also believe?" narinig kong sabi niya, pero hindi ko magaw

