ALEXIS ALEJO Kinabukasan... Kakatapos ko lang mag-agahan kaya dumiretso ako sa garahe para linisin ang motor ko. Nasa garden si Governor Gerald na nagbabasa ng dyaryo, nakatayo sa di kalayuan ang ilang bodyguards nito. Natutulog naman si Terrence sa kanyang kwarto kaya tahimik ang buong paligid! Kahit papaano ay nagkaroon ng katahimikan ang buhay ko, pero sigurado... mamaya pagbaba ng taong 'yon! May giyera na namang mangyayari! "Tapos ka na bang mag-agahan, Alex?" Napalingon ako, si Nathan nga. "Goodmorning!" ang bati ko sa kanya. "Kumusta ka? Lahat ng tao dito pinag-uusapan ang nangyari sa inyo kahapon." Nagsumbong kasi 'yung mga katulong sa ginawa ni Terrence kahapon kaya napagalitan na naman ito ni Gov. Pati tuloy 'yung tatlong unggoy nadamay. Ngunit mas kawawa 'yung isa, hindi

