ALEXIS ALEJO Sa totoo lang, nagpapasalamat ako sa pagdating ni Terrence! Ang ganda ng timing! Sobrang naiilang na kasi ako sa titig ni Nathan! Subalit hindi ko gusto ang tono niya! "May kailangan ka po ba sa akin, sir?" tanong ko sa kanya na pinagdiinan pa ang salitang sir! I need to get out of here! Instead of answering my question, Terrence grabs me by the wrist and pulls me away from Nathan. Tinignan lang ni Terrence ng masama si Nathan saka tangkang tatalikod na sana nang mapatigil siya sa paghakbang dahil sa paghila naman sa akin ni Nathan sa kabilang kamay ko. "She will not go with you,'' ang seryosong sabi ni Nathan na nakatitig kay Terrence. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa! "Ako ang amo dito kaya huwag kang makialam sa mga ginagawa ko," ang pormal na sabi

