REECE Nagpalipas kami ng gabi sa resort dahil wala pa ring tigil ang buhos ng ulan. Nanood kami ng balita kung may parating na masamang panahon. Kinakabahan kasi ako na baka tumaas ang tubig at umalon ng malakas, lalo na't malapit kami sa dagat. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala naman palang bagyo. “Are you bored?” basag ni Serge sa katahimikan. Napahinto ako sa pakikipagpalitan ng mensahe sa dalawa kong kaibigan. Kapag nakauwi na kami, makikipagkita ako sa kanilang dalawa. Ikukwento ko sa kanila ang mga masasayang nangyari sa akin pagkatapos ng graduation. Nang sinabi ko sa group chat na may sorpresa ako sa kanila, excited agad sila malaman. Kahit hindi ko sila kasama, nakikita ko ang disappointment sa mga mukha nila nang sinabi kong sasabihin ko lang kapag nagkita-kita na kami.

