REECE Dinala niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko at bahagya akong inangat nang hindi naghihiwalay ang aming mga labi. Pinaghiwalay ko ang dalawang hita ko nang pinaupo niya ako paharap sa kandungan niya. Kaagad namang pumulupot ang kamay ko sa leeg niya at pumikit para namnamin kung gaano katamis at kalambot ang labi niya. Nararamdaman ko nang lumalalim na ang halik niya sa akin, ngunit wala akong lakas na pigilan siya. Mabibigat na rin ang buga ng aming mga hininga. Biglang nagbago ang temperatura ng buong katawan ko. Nagsimula na itong uminit dahil sa sensasyong bago sa akin. Tinatangay na ako ng mainit na tagpo sa pagitan namin ni Serge. Kumapit ako ng mabuti sa leeg niya at pinulupot sa baywang ang dalawang binti nang tumayo siya at naglakad. Mayamaya lang ay naramdama

