REECE I was stunned by what I heard. He was asking me if he could love me? Parang libo-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Parang kailan lang nang sinabi niyang, “Huwag akong mai-inlove sa kanya,” at ngayon, gusto niyang mahalin ako? Sa lahat ng nangyari sa akin ngayong araw, ito ang pinakamaganda. “Baby, please, answer me. I’m so cold,” He was shivering while talking, so I laughed. Aarte pa ba ako? Mahal ko naman siya. Lihim na nga akong nasaktan dahil sa kanya. Kaya bakit pa ako magpapakipot? “Yes,” nakangiting sagot ko. Mabilis na nagliwanag ang mukha niya. “Really?” Nakangiting tumango ako para ikumpirma ang sagot ko. “Oh, baby.” Isang mabilis na halik ang iginawad niya akin. “You made my day, madam.” Hindi ako sumagot. Masyado pang nilalamon ng mga kaga

