REECE “Sorry, I'm late.” Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya. Mabuti pa kay Tito Ernel at Kuya Ravi, humingi siya ng pasensya, pero sa akin, hindi. Sana hindi na siya dumating. Pauwi na rin naman kami. "You arrived just in time, Serge," my brother said. "You're in charge of my sister now.” “Copy that, sir.” Nilapitan ako ni Tito Ernel. “Magpahinga ka muna. Sulitin mo ang araw na hindi ka pa pumapasok sa company. Pag-usapan na lang natin kung kailan ka magsisimula kapag handa ka na, okay?” “Sige po, Tito.” Yumakap muna ako sa kanilang dalawa bago ako nagpaalam. Hindi ko tinangka na sulyapan si Serge kahit pinagbuksan niya ako ng pinto. Alam kong nag-usap kami na posibleng hindi siya makarating sa graduation ko, pero hindi ko pa rin maiwasang sumama ang loob ko

