REECE Dumating ang araw ng graduation, pero hindi ko maramdaman na masaya ako. Ang saya ng mga kaklase ko, pero ang tamlay ko. Para na naman akong may sakit kahit wala naman. Wala lang talaga akong lakas na magsaya ngayon. "Hey, sis. Are you okay? Aren't you happy you graduated?" Kuya Ravi asked. Mapait akong ngumiti. “Happy, of course.” Pilit kong pinasigla ang boses ko. Baka kasi makahalata si Kuya Ravi ay magtanong pa siya sa akin. “Nalulunglot lang ako dahil magkakahiwalay na kami ng mga kaklase ko.” Mabuti na lang ay mabilis ako nakaisip ng dahilan. “Pwede naman kayo magkita-kita.” “Yeah.” Kung alam mo lang, kuya, ang dahilan ng pananamlay ko. Hinintay lang ni Serge na dumating si Kuya Ravi bago siya umalis. Para akong tangang nakiusap pa sa kanya kanina na humabol siya sa

