REECE Natuloy kaming lumabas. Kasama ni Archer ang dalawa niyang kaibigan na sina Ivan at Phil. Pumunta kami sa mall at ipinasiya muna naming manood ng sine. Pinapili nila kami kung ano ang gusto naming panoorin. Dahil mahilig ako sa horror, ito ang pinili ko. Nadismaya naman ang dalawa kong kaibigan dahil parehong romance ang pinili nila. “Seriously, Reecy girl?” tanong ni Dimple. Bakas sa mukha nito na hindi makapaniwala sa pinili ko. “Why? They said to choose, so I chose horror movie," I said with a laugh. “Ganito na lang. Sasamahan na lang namin sina Anne at Dimple. Arch, ikaw na lang ang sumama kay Reece. Dito na lang tayo sa labas magkita-kita,” suhestiyon ni Phil. “Good idea.” Sinulyapan ko si Archer nang sumang-ayon ito. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pilyong ngiti nito, n

