REECE Awtomatikong bumilis ang t***k ng puso ko nang magtagpo ang aming mga mata. Mayamaya lang ay bumaba ang mata niya. Nang napagtanto ko kung saan siya nakatingin, kaagad kong kinalas ang pagkakasalikop ng mga kamay namin ni Archer. Sa gilid ng mata ko ay tumingin sa akin si Archer, pero hindi ko na siya tinapunan ng tingin dahil nakapako ang mga mata ko sa lalaki, na kahit gusto ko nang kalimutan, ay pinanabikan ko pa ring makita. Kaya ba siya narito ay dahil babalik na siya sa trabaho? Magaling na ba siya? Sabagay, wala na ang arm sling sa kamay niya, kaya baka magaling na nga siya. Parang tumigil ang paghinga ko nang maglakad siya palapit sa direksyon namin. Habang naglalakad, titig na titig siya sa akin. Something unreadable, some unnamed emotion shone in his eyes. Ilang sandal

