bc

My Innocent Tutor (BARKADA SERIES 5) [18+] Sam & Kimberly

book_age18+
11
FOLLOW
1K
READ
drama
another world
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Sam Santo ay nagmula sa mayamang pamilya. Gwapo at matipuno, ngunit pasaway na anak at puro barkada ang iniisip. Imbes na magpatuloy sa pag-aaral, tambay at pagsama-sama sa mga barkada na may part-time work ang inaatupag.

Kimberly Navarro, matalino at maganda. Sa edad na 15 years old, kaya niyang makipagsabayan ng talino at galing sa mga college student. Kaya naman isang araw, kinausap siya ng mag-asawang Samantha Santos at Sebastian Santos nang minsang isama siya ng kanyang tita sa trabaho nito bilang kasambahay sa mansyon ng mga Santo. Nakiusap ang mag-asawa kung maaari siyang mag-tutor sa kanilang anak bago ito ipadala sa America para doon ipagpatuloy ang pag-aaral.

Sa unang kita pa lamang ni Sam kay Kimberly, ay namangha na siya sa taglay na kagandahan nito kaya’t pumayag na rin siyang maging tutor ang batang si Kim.

Sa huling araw ni Sam sa Pilipinas bago lumipad patungong America para sa kanyang pag-aaral, kinausap muna niya si Kim para magpasalamat. Bukod doon, nangako siya sa bata na babalik siya sa tamang panahon at liligawan niya ito.

Paglipas ng limang taon, matagumpay na nakapagtapos si Sam sa kanyang pag-aaral sa America. Limang taon man siyang nawala sa Pilipinas, hindi nawala sa isip at puso niya ang batang si Kim, lalo na ang pangako niya rito.

Sa pagbabalik ni Sam sa Pilipinas, lalo siyang humanga sa kagandahan ni Kim. Ngunit sa kabila noon, malalaman niya ang malungkot na pinagdadaanan ng batang pinangakuan niya.

Itutuloy pa kaya ni Sam ang pangako niya sa batang iniwan niya na ngayon ay 20 years old na matapos niyang malaman ang kondisyon nito?

chap-preview
Free preview
CHAPTER-1
"Aling Loly, pwede ba akong makiusap sa'yo?" wika ng amo sa kanyang kasambahay na si Aling Loly, isang limampu't limang taong gulang na babae. Nasa kusina sila habang naghahanda ng hapunan. Naka-ugalian na ni Samantha na magluto ng hapunan kapag nasa bahay lang siya, katulad ngayon. Kadalasan kasi, abala siya sa labas sa pagpapatakbo ng kanilang kumpanya. Sa madaling salita, magkasama sila ng kanyang asawa na si Sebastian sa paghawak ng kanilang mga negosyo. "Opo naman po, ma'am! Ano po ba iyon?" magalang na tugon ni Aling Loly sa kanyang magandang amo habang tinutulungan niya itong maghanda ng mga sangkap na lulutuin. "Makikiusap sana ako sa'yo kung pwede kang pumarito muna ng tatlong araw. Si Nita kasi nagpadala ng mensahe sa akin at nagpaalam kung pwede raw siyang bumalik dito sa Thursday na lang. Pinagbigyan ko na siya para makapagluksa siya nang maayos at makapagpahinga. Tapos si Rose naman, sa susunod na linggo pa matatapos ang bakasyon niya," sagot ng amo sa kanyang kasambahay. Ang tinutukoy niyang si Nita at Rose ay ang dalawa pa nilang kasambahay na umuwi sa kanilang probinsya. Si Nita ay umuwi dahil sa pagkamatay ng kanyang lola, at si Rose naman ay nasa bakasyon dahil tatlong taon niyang hindi nagamit ang bakasyon niya. Binibigyan kasi ng mag-asawang Santos ang kanilang mga kasambahay ng bakasyon kada taon. Si Aling Loly ay hindi nakatira sa mansyon ng mga Santos; sa madaling salita, kasambahay siya pero umuuwi siya araw-araw. Day off naman niya kapag Biyernes. Papasok siya ng 7:00 AM at uuwi siya ng 6:00 PM. "Wala naman pong problema, ma'am. Kaya lang, ang pamangkin ko ay mag-isa sa bahay. Bata pa kasi, ma'am, labing limang taong gulang pa lang," seryosong sagot nito sa kanyang amo. "Ganoon po ba," malungkot na tugon ng kanyang amo. "Pero kung okay lang po sa inyo, ma'am, baka pwede ko siyang isama dito?" seryosong wika niya. "Talaga, Aling Loly? Naku, oo naman, pwedeng-pwede. Huwag kang mag-alala dahil dadagdagan ko ang sahod mo ngayong buwan para naman makabawi ako sa'yo sa pabor na ito," masayang wika ng kanyang amo. "Naku, maraming salamat po, ma'am. At pasensya na po kayo at hindi ko tatanggihan ito. Dagdag ipon din kasi para sa pamangkin ko," masayang tugon ng kasambahay sa kanyang amo. "No worries, Aling Loly. By the way, nakita mo bang umuwi si Sam?" pag-iiba ni Samantha ng usapan nila ng kasambahay nila. "Hindi ko nga po napansin si Sir Sam, ma'am. Kahapon ko pa po siya hindi nakikita dito sa mansyon," tugon ng kasambahay. "Hay naku, what's new, Aling Loly? Malamang nandoon na naman iyon sa Tenement kasama ang mga kaibigan niyang tumatambay. Akala ko pa naman nong mag-asawa ang isa sa kaibigan nilang si Ella, mababawasan yang kakatambay nila doon," napapailing na wika nito. "Mukhang nabawasan naman, ma'am, pero kaunti lang," biro ni Aling Loly sa kanyang amo. Nakasanayan na niyang biruin minsan ang kanyang amo, lalo na pagdating sa anak nitong si Sam. Lahat naman sila na kasambahay, ay madalas na kabiruan ang kanilang amo na si Samantha dahil marunong itong makisama at sobrang bait pa sa kanila, at hindi lang sa kanila kundi maging sa ibang tao. Napapailing na lang si Samantha na may kasamang konting tawa dahil sa pagiging pasaway ng nag-iisa nilang anak na si Sam. "Sulitin na niya, Aling Loly, yang ginagawa niya dahil nag-usap na kami ng Sir Sebastian mo, at sa susunod na taon ipapadala namin siya sa Amerika para tapusin ang pag-aaral niya," seryosong wika nito. "Talaga, ma'am?" gulat na tanong ng kasambahay at hindi pa ito makapaniwala sa narinig mula sa kanyang amo. "Yes, Aling Loly. Hindi kasi pwedeng habang buhay siyang ganyan. Aba, tumatanda rin naman kami ng Sir Sebastian mo, at wala kaming pwedeng pagkatiwalaan ng mga negosyo namin kundi siya lang," seryosong wika nito. Nag-iisang anak kasi nila si Sam. "Alam mo, Aling Loly, wala akong problema sa mga kaibigan niya, lalo pa at mababait naman ang mga ito. Kung tutuusin, masisipag nga silang mga bata kaya walang problema sa kanila. Sadya lang sa anak ko nagka-problema, tamad pagdating sa pag-aaral," napapailing na wika muli ni Samantha. "Papayag naman po kaya siya ngayon, ma'am? Naaalala niyo nong tangkain niyo siyang ipadala rin sa Amerika. Aba, naglayas at halos isang linggo siyang hindi umuwi," seryosong wika ng kasambahay. "Kailangan niyang pumayag, Aling Loly, dahil kung hindi, magkakaproblema sila ng daddy niya this time," tugon naman nito sa kasambahay niya habang hinihiwa ang mais na ihahalo niya sa lulutuin niyang bulalo. Pagkatapos niyang hiwain ito ay kinuha naman ito ng kanyang kasambahay at hinugasan para mapakuluan. "Oh, honey, you're here," nakangiting wika ni Samantha nang pumasok sa kusina ang asawa niyang si Sebastian. Lumapit naman sa kanya ang asawa niya at hinalikan siya nito sa pisngi. "Papasok pa lang ako, naamoy ko na yang lulutuin mo, honey," malambing na wika ng mister niya sabay yakap sa likod niya at dinampian pa ng halik ang leeg ng kanyang misis. "Alam mo, habang tumatanda ka, Sebastian Santos, lalo ka lang nagiging bolero. Ano naman ang maaamoy mo, hindi pa nga namin ito naiisasalang ni Aling Loly," natatawang wika niya habang yakap-yakap pa rin siya nito mula sa likod. Sanay na ang mga kasambahay nila sa pagkasweet ng mag-asawa kaya wala lang sa kanila kahit nandoon si Aling Loly. Kahit nga may edad na sila ay para pa rin silang mag-nobyo kung maglambingan. "By the way, nandito na ba ang pasaway mong anak?" biglang tanong nito sa misis niya saka niya ito binitawan sa pagkakayakap. "Wala pa nga. Sana naman umuwi siya ngayong hapunan dahil niluto ko itong paborito ninyong mag-ama," sagot niya. Ang tinutukoy niyang paborito ng kanyang mag-ama ay ang bulalo. "He will come home, honey, don't worry. Nagkausap na kami kanina sa tawag bago ako umuwi," seryosong sabi naman nito. "Mabuti naman at tinawagan mo." "Yes, dahil bukas kailangan natin siyang kausapin about sa pagpunta niya sa Amerika. Mas maigi na yung maaga pa lang ay ipaalam na natin sa kanya para makapaghanda siya," seryosong wika ng mister niya. Maya-maya pa ay nagpaalam na ito para makapagbihis dahil galing pa ito sa kanyang trabaho.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.0K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.6K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ISAGAD MO, OH ISMAEL (SSPG)

read
5.6K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook