Maaga pa lang ay nag-ayos na ako ng sarili. Pinagising ko na rin si Bri sa mga kasambahay. Dumungaw ako saglit sa kwarto para tumingin kung may tao sa labas. Sakto naman na may nakita akong isang kasambahay sa malapit at tinawag ko agad. "Paki gising naman si Bri. Medyo marami pa kasi akong aayusin na mga gamit," utos ko sa kasambahay. Tumango siy at agad naman na sumunod sa aking utos. Muli naman akong bumalik sa loob ng aking kwarto para ituloy ang aking mga ginagawa. Paupo na sana ako sa kama para magpahinga saglit, nang bigla may naalala ako. Nakalimutan ko pala na sabihin sa kasambahay na siy muna ang mag asikaso kay Bri. Kaya agad naman akong lumabas ulit para habulin ang kasambahay. Pagkalabas ko sa kwarto ay palayo na sana ang kasambahay. Agad ko naman siyang tinawag. "May n

