Nakita na namin ang sasakyan ni Kuya Zeke. Ito na ang gagamitin namin papunta sa Mansion. Hindi rin naman kilala ng mga bampira si Kuya Zeke. Hindi nila alam na may anak si Mr. Collin. Kahit kami nga ay kamakailan lang iyon nalaman. "Kuya Zeke, pasensiya na kung inabot kami ng limang minuto pagpunta rito," saad ko. "Ayos lang. Kararating ko lang din naman. Hindi na ako nagsama ng driver," ika niya. Tama lang ang ginawa niya. Hindi kasi pwedeng basta-basta malaman ng ibang tao ang Mansion namin. Nasa isang subdivision ito kaya hindi rin naman mapapapasok ng mga guards sa unahan ang mga walang appointment o hindi pina-abiso ng pupuntahan nila sa loob. Kasama naman kami ni Den kaya mabilis lang kaming makakapasok. Sila Tita at Tito naman ay kilala na roon. Halos ang mga bahay na nando

