Nagising ako sa pag-uusap ng Doctor at ni Tita. Pinag-uusapan nila ang aking lagay. Tanong nang tanong si Tita kung ayos lang na ako. "Ma'am, nalilipasan po ng gutom ang pamangkin ninyo. Nagkaroon siya ng hyperacidity. Kailangan niyo pa ring pilitin siya na kumain sa tamang oras. Baka mamaya ay magka-ulcer na siya kung hindi maaagapan," paliwanag ng Doctor. Minsan ay nakalilimutan ko na kasing mag-breakfast. Late pa mag-lunch noong nasa Vnight Academy ako. Iyon siguro ang naging dahilan kung bakit ako nagkakaganito. "Hay naku, may pagkapasaway pala si Minlei sa pagkain. Hindi bale, kami na mismo ang laging magre-remind sa kaniya at sa mga makakasama niya na kumain sa tamang oras," ika ni Tita. Kakain na talaga ako sa tamang oras. Napapansin ko na napapabayaan ko na ang sarili ko. Hi

