Nilalakad ni Ramona at Penelope ang pathway papuntang gymnasium, suot ang PE uniform nila habang umiinom ng slurpee pampawi sa mainit na panahon.
Wala silang klase ngayong araw dahil ang school nila ang napili para pagdausan ng taunang Senior HighSchool Basketball Tournament. Lahat ng eskwelahan na nasasakupan ng buong Waverly City pribado man o pampubliko ay kalahok.
Malaki itong opportunity para sa mga atleta lalo na sa mga graduating na tulad nila. Ilan kasi sa malalaking university ay magpapadala ng representative na pipili ng mga qualified na estudyanteng manlalaro na maaring alukin ng scholarship.
Buo ang suporta ng mga mag-aaral sa Greendale sa mga kasaling kaklase at kamag-aral. Kaniya-kaniya ng cheer at bitbit ng banners pati na balloons. Ang iba ay kasama pang banda.
"Hello, Mona! Are you there?" pumitik-pitik ang daliri ni Penelope sa tapat ng mukha ni Ramona kaya natauhan siya.
"H-ha? what were you saying again?"
Lumilipad na naman ang isip niya. Sigurado nasa gym si Reese. He's one of their promising varsity, at itinuturing na star player. Huling encounter nila ay no'ng lapitan siya nito sa hallway. Hindi na iyon nasundan kahit napapansin niya ang kagustuhan nitong makipag-usap. Matindi kasi ang ginagawa niyang pag-iwas.
"Ang sabi, anong bang problema niyan ni Benji at Mads!"
Kunot ang noong nilingon niya ito. "Bakit? Ano ibig mong sabihin?"
"Hindi mo ba napapansin na lately daig pa ni Benji ang kabuteng pasulpot-sulpot!"
Pa'no niya mapapansin kung busy rin ang isipan niya kay Reese?
Clueless na umiling-iling si Ramona.
"Madalas ko siyang puntahan sa mga hide out niya kapag nag-sskip sa klase. Pero wala siya doon..." bumuntong hininga ito at saka huminto sa paglalakad. Napangiwi siya nang biglang manlisik ang mata nito. "Hindi kaya..."
"Hindi kaya ano?"
"Hindi kaya..." nag-dilim ang mukha ni Penelope na parang may pumasok sa isipang hindi kanais-nais na ginawa ni Benji. "OMG! Mapapatay ko talaga siya!"
"Uy... ano ba 'yon, Penelope?"
Parang may sanib na naman ang kaibigan niyang nagpapadyak ang paa sa lupa. Spoiled brat at only child si Penelope kaya sanay na lahat ng gusto, nakukuha.
"I was thinking he's hiding something from us!"
"Ano namang itatago ni Benji sa atin?"
"Ano pa! Baka may girlfriend na siya!"
"I don't think so... bakit naman hindi niya sasabihin sa'tin ang tungkol do'n?"
And besides sa liit ng school nila, imposibleng hindi kumalat ang ganong balita.
Tumirik ang mga mata ni Penelope at nanulis ang nguso. "Magigilitan ko talaga ng leeg kung sino mang babae ang magugustuhan ni Benj!"
Napangiwi si Ramona, nakakatakot. Love can really make you sick and crazy. Patunay na nga itong si Penelope.
"What about.. Maddi?" Pag-iiba niya sa topic.
"Well... I noticed she's super clingy to Reese. As in she follows him everywhere!" Sumulyap ito sa kaniya sabay sipsip sa slurpee.
"M-Maybe she likes him..."
"But.. it's too much, Mons! Kung umasta siya feeling girlfriend na kaagad ni Reese! Naririnig kong pinagbabawalan niya mga classmates natin na lumapit sa kaniya!"
"Pero gano'n ka rin naman kay Benj 'di ba?"
Umirap ito at lumabi. "Of course not! FYI! hindi ako gano'n kay Benj, 'no! I admit everyone knows I super like him. Sinusundan ko rin siya minsan, pero alam ko ang limitation ko. Never kong pinagbawalan ang mga classmates natin na lumapit sa kaniya."
She's right. Alam ni Penelope kung ano talaga ang posisyon at lugar niya. Hindi siya sobrang possesive. Unlike her cousin na kahit sa male's restroom at locker room, susundan si Reese para lang masigurong walang makakalapit na babaeng kaklase rito.
"Let's just support whatever makes her happy. M-Minsan lang naman kasi magka-crush si Mads ng sobra..."
"Duh! Hindi naman sa hindi ko siya gustong i-support! It's just that I've never thought of her to be that desperate to woo someone. Nakikita mo naman 'di ba? Ano na lang iisipin ng ibang tao sa ginagawa niya? At kung totoo niya tayong kaibigan, dapat hindi natin tinotolerate ang ganyan niyang ugali! Pa'no kung pati tayo pagbawalan na niyang lumapit kay Reese."
Nag-iwas ng tingin si Ramona. Hindi niya nakukwento kay Penelope ang pag-uusapan na nangyari sa pagitan nila ni Mads. Hindi sa wala siyang tiwala sa kaibigan, it's just that some things are meant to be kept.
"N-Nakita mo naman na umpisa pa lang gusto na ni Mads si Reese... she's just doing her best to get his attention..." pagtatanggol niya sa pinsan.
Sumusukong bumuntong hininga si Penelope at saka parang nananaginip na nagsalita. "Well... who wouldn't like Reese nga naman? He has well built body, very handsome face and those eyes... argh! Girls are like melting popsicle under the sun kapag matitigan lang niya. He's every womens dream!"
"Even you?" Ramona teased her to ease the sharp pain in her chest.
"Of course not, duh! Benji is the one for me! I wish I'm the one for him too."
"You will be." Sincere na sabi ni Ramona sa kaibigan. Alam niyang makikita rin ni Benji ang worth ni Penelope. Soon.
"But you know what... If ma-hook ni Maddi si Reese... oh, damn girl! She's that luckiest! Magkakaroon siya ng babies na blue eyes!"
Pinilit ngumiti ni Ramona. "Yeah, she's lucky..."
♡ ♡ ♡
SUMALUBONG sa kanila ang malakas na tilian at tunog ng drums pagpasok loob ng gymnasium. Bawat eskwelahan na kasali sa tournament ay kaniya-kaniya na ng cheer sa bawat koponan. Nagsisimula na ang laro nang dumating sila. Kaya naman ganado at energetic na itinataas ng cheering squad na kinabibilangan ni Mads, ang mga hawak na pompoms habang sumasabay sa pagkanta at pagsayaw sa musiko na tumutugtog kapag nakakapuntos ang paaralan nila.
"MONA, PENELOPE!" Malakas na tawag ng kaklase nilang kumakaway sa gilid ng court.
"Oh! God!" Tili ni Penelope nang makalapit sila sa mga kaklase. "Go!Wild Tigers!"
Umugong ang malakas na tilian ng mga kababaihan sa pwesto nila maging sa kalabang team. Nang lumingon si Ramona sa court, nakita niyang nakapuntos si Reese.
"WE LOVE YOU! REESE!"
Napadako ang tingin niya kay Maddison. Napangiwi si Ramona nang makita ang masamang tingin na pinupukol nito sa mga babaeng tumitili. Umirap ito at saka hinawi ang mga babaeng gulat pang napalingon dito. Natakot kaagad ang mga ito at umalis sa pwesto nang taas ni Maddison ng kilay.
"He's mine! Go away!" Hinawi nito ang buhok saka tinaas ang hawak na pompoms. "Go! Reese! Baby!"
Naiiling na ibinalik ni Ramona ang atensyon sa game. Ilang oras na puro tilian at hiyawan ang maririnig sa buong gymnasium. The opponents' supporters have their own band too. No one can understand a word due to the loud jeers and screams — dagdag mo pa ang mga babaeng kada-score nalang ng mga players ay halos masisira na ang tenga mo sa tinis ng sigaw nila.
"LAST TWO MINUTES!" Sigaw ng announcer sa microphone.
Nagkagulo at tumindi ang mga hiyawan— niyayanig ang buong paligid.
"GO! WILD TIGERS!" Patuloy na sigaw ni Penelope na parang hindi napapagod at namamaos habang winawagayway ang maliit na flag na may school logo nila.
"Let's make some noise! W-I-L-D T-I-G-E-R-S!" Kada letra ay pumapalakpak ang mga katabi niyang estudyante kasabay ng malakas na drummer ng banda. "What's that spell! WILD TIGER!"
"G-O! F-I-G-H-T! W-I-N!"
"What's that spell?"
"Go Fight Win!"
"ONE MORE TIME! GO FIGHT WIN!!"
Sabay-sabay na kanta rin ng cheering squad nila, winawasiwas ang pomspoms habang sinasabayan ng palakpak ang drums.
"Betham, Reese for 3!"
The loud roar of the crowd reverberated through the gymnasium. Then the commentator announced that there were only two minutes left in the game. The digital clock at the top of the court started to move.
"Hi, Mona..." bati ni Reese sa kaniya habang dinidribble ang bola.
Napatda naman si Ramona sa kinatatayuan. Hindi niya malaman kung babatiin rin ba ito. Lalo na ramdam niya ang titig ni Penelope at ng mga katabing kaklase sa kaniya.
"I'm glad you're here." Sumulyap ito sa kaniya habang dinidepensahan ang nagbabantay na kalaban.
"Get in the game!" Inis na sabi ng player dito sabay tinapik ang bolang dinidribble ni Reese.
Mabilis naman iyong naiwasan 'yon ni Reese, umikot-ikot pa sa kalaban at saka humarap ulit sa kaniya.
"Reese! Anong ginagawa mo diyan!" Sigaw ng isang ka-team ni Reese.
Ngunit imbes na makinig sa mga kasamahan parang binging kinuha nito ang atensyon niya.
"Hey."
Kumurap si Ramona at bumalik ang tingin sa binata. He was sweating from his face to his veiny and well toned arms. Namumula rin ang pagkabilang pisngi at bahagyang hinihingal. Pero hindi nito iniinda ang pagod. Mukhang nag-eenjoy pa nga at maraming energy.
"W-Why?" Nag-iinit ang pisnging sagot niya rito.
Bakit ba kasi ngayon pa siya nito kinausap kung kailan nasa gitna ng game? Is he allowed to do that? Hindi ba ito natatakot na mapagalitan ng coach? Or worst alisin sa pagiging team player!
Reese stepped and leaned a little closer. Halos maamoy na niya ito. And surprisingly with all the sweats, he still smells good.
"Reese! Pucha! Mamaya ka na manligaw diyan!" gigil na saway na naman dito ng isang player.
Pinamulan ng mukha si Ramona. Sa lakas ng boses nito for sure, narinig iyon ng mga katabi niyang kaklase.
Sinulyapan lang ni Reese ang ka-grupo bago kaagad na ibinalik ang tingin sa kaniya. "Let's make a deal."
Sa gitna ng pinaka-importanteng tournament sa school ngayon pa nito gustong makipag-pustahan!
“W-What deal?” Napipilitang sagot niya.
Tumitig ito sa mga mata niya. “Go on a date with me.”
Umawang ang labi ni Ramona at namilog ang mga mata. What did he just said?!
"I'll shoot this ball, If you go on a date with me.”
Date? He's asking her on a DATE! But whyyyyy?!
"REESE! Get in the game damn!" Galit na sigaw na ng coach.
Pero parang walang naririnig si Reese na nakatitig lang sa kaniya, hinihintay ang sagot niya.
Narinig ni Ramona ang pagtunog ng buzzer. Nagsimula nang magbilang ng countdown ang mga estudyante.
"Last 10 Seconds!" Sigaw ng announcer.
"Gosh! 10 seconds na lang!" Tili ni Penelope.
Naglipat-lipat ang tingin ni Ramona kay Reese at sa malaking digital clock na nasa itaas ng ring.
"10!" sabay-sabay na sigaw ng mga estudyante sa gym.
"9!"
"Reese! f**k, man!!"
"8!"
"Mona!!" Niyugyog ni Penelope ang braso niya na parang sinasabi na pumayag na siya.
"7!"
"It's your choice, Mona, if we're gonna to win this game or not…” usal pa ni Reese na patuloy sa pag-di-drible.
"6!"
Natatarang hindi niya malaman ang isasagot. Why he's doing this to her?!
"5!"
Iniangat ni Reese ang bola sa ere.
"Reese!" Natatarantang sigaw niya.
"What?" Gumilid ang mata nito sa kaniya.
"4!"
"Mona!! Matatalo tayo!" sigaw sa kaniya ng mga kaklase nila.
"3!"
The pressure is on her! Kapag natalo sila siguradong siya ang sisisihin ng mga kaklase nila at mga schoolmates! Worst baka pati mga teachers!
"2!"
"It's in your hand…”
The hell is wrong with him! Muli siyang sumulyap sa timer tsaka mariin na pumikit. No choice! Bahala na!
"1—“
"Okay! Okay! Just shoot it! I’ll go on a date with you!"
Umangat ang sulok ng labi ni Reese. Ngumiti na akala mo nanalo sa championship at saka tumatakbong di-n-dribble ang bola paiwas sa mga kalabang player. Huminto ito sa harapan ng ring at tumira ng jumpshot.
Pigil ang hininga ng lahat habang umiikot ang bola sa piligid ng ring. Walang nagsasalita. Tila nag-slowmotion ang paligid hanggang sa sumigaw ang announcer.
"Two points for WILD TIGER!"
Namilog ang mga mata ni Ramona ng pumasok ang bola. Nagwala ang crowd.
"Wooh! Wild tigers won!!"
Nagtakbuhan ang lahat ng teammates ni Reese maging ang mga nasa bench at binuhat ang lalaki.
"REESE! REESE! REESE!" Masayang cheer ng mga ito habang iniikot sa buong court si Reese.
Umulan ng confetti. Napuno ng hiyawan ang buong gymnasium.
"My god, Mona!!" Tumitiling niyakap siya ni Penelope at sinama pagtalon-talon nito. "You're the reason why we won!”
Maging ang mga kaklase nila ay kinuyog at niyakap na rin si Ramona. They’re giddy, screaming her name.
Hindi napigilan ni Mona ang makisabay sa tawanan at tilian ng mga kaklase. Nang mapalingon siya sa gawi ni Reese, nagtagpo ang mga mata nila. They both smiled at each other. He then mouthed something, winking at her. She bit her bottom lip as her heart skips a beat…