Chapter 6: The Date

4521 Words
"OMG, Mona!" Matinis na tili ni Penelope. "Reese is really into you! Ahhh!" Kamina pa ito hindi mapakali sa kama niya. Nandito sila ngayon sa kwarto niya. After ng game, nagpumilit si Penelope na mag-sleepover. As usual para kulitin siya tungkol kay Reese. And they're now both wearing their pink stripes pajamas, eating their favorite midnight snack, chocolate on strawberry! "You think so..." nag-iinit ang pisnging usal niya. "Yes! He would not ask you on a date in front of thousand girls cheering for him if he didn't like you! Gosh! What he's the standard, dude! I can't imagine anyone can do that but Reese!" Parang nananaginip na bumunto hininga ito bago bumangon mula sa pagdapa sa kama. "Pero alam mo, napapansin ko na talaga yung mga palihim na titig niya sa'yo!" Natigilan siya sa pagsubo sa kutsarang punong-puno ng chocolate spread. What... pati pala ito napapansin? Hindi lang Benj. "What do you mean?" Pagmamaang-maangan niya. Tumirik ang mga mata nito bago nag-dipped ng strawberry sa jar ng nutella. "Duh, Mona! Manhid ka ba? Tumititig siya sa'yo kapag magkakasama tayo! I don't know ah, kung ako lang nakakapansin." Bumuntong hininga siya at laglag ang balikat na nag-dip rin ng sliced banana sa peanut butter. "Benj told me, he noticed that too." Namilog ang mga mata ni Penelope. "Really!? My god! Meant to be talaga kami ni Benji ko! Isipin mo kami pa ang nakapansin!" Hinampas nito ang legs niya. "Gosh! So, ano pa hinihintay mo?!" "Anong hinihintay ko?" Umikot ang eyeballs nito. "Aren't you gonna do something about it? The most gorgeous boy in the entire town has a crush on you!" Napangiwi siya. Kahit naman may gusto sa kaniya si Reese, hindi sila pwede. There's a lot of things she needs to consider. She can't be selfish. Parehas na napalingon sila ni Penelope sa telephone na nakapatong sa ibabaw ng side table nang tumunog 'yon. Sumulyap si Ramona sa wall clock at nakitang 10PM na. Wait, sino namang tatawag sa kaniya ng ganitong oras? Impossibleng si Benji dahil maaga matulog ang isang 'yon. Si Wesley naman nag-out of town kasama ang mommy nito para mag-take ng entrance exam for college. Habang si Mads, missing in action mula pa kaninang after ng game. Nahilo na nga sila kahahanap dito bago umuwi. Hindi man lang nila nakita kahit anino. She picked up the telephone. "Hello?" "Hello, can I speak to Ramona, please?" Mahina siyang napasinghap nang mabosesan ang boses ng nasa kabilang linya. "S-Speaking... who's this?" "It's me, Reese." Napalingon siya kay Penelope nang tapikin nito ang hita niya. 'Who's that?' She mouthed. 'Reese...' she mouthed back. Nanlaki ang mata nito at kaagad na dinikit ang tainga sa likod ng teleponong hawak niya. "Are you still there?" Untag ng binata sa kabilang linya. "Um, yeah." Another silence. Hindi niya alam ang sasabihin. Tatanungin ba niya kung bakit ito tumawag? Kung bakit siya nitong niyaya makipag-date? Pano kung hindi pala iyon totoo? Pa'no kung pinag-ti-tripan lang siya nito? But he's not kind of boy. Nagitla siya nang biglang tapikin ni Penelope ang legs niya. 'Say something to him!' Bulong nito. Huminga siya ng malalim. Ibinukas niya ang bibig para magsalita pero naunahan siya ni Reese sa kabilang linya. "Nakakaistorbo ba ako sa'yo? Nagising ba kita? Dapat kanina pa ako tatawag sa'yo kaso kauuwi ko lang rin. Sorry..." Hindi na sila nakapag-usap kanina after ng game dahil dumiretso ang mga player sa victory party habang ang mga estudyante naman ay maagang pinauwi. "It's fine. Actually, nag-mi-midnight snacks pa kami ni Penelope." Sinulyapan niya ang kaibigan na nakikinig pa rin. "Oh... Sino pang kasama niyo diyan?" "Just the two of us. Biglaang sleepover lang..." Medyo na-relax na si Ramona. Hindi rin niya maintindihan, kapag nag-uusap sila sa una magkakailangan pa, parang nangangapa. Perogradually nawawala naman ang ilangan sa pagitan nila. "Ah, if you want... pwede akong dumaan diyan." "W-What?" Napalingon siya kay Penelope nang higitin nito ang manggas ng pantulog na suot niya. "Say yes!" She mouthed. "What! No!" Balik bulong niya rito. "Mona?" Pukaw ni Reese sa kabilang linya. "Okay lang naman kung tumanggi ka. I'm sorry, I wasn't thinking straight. Anong oras na rin. Hindi ko na dapat tinanong pa yun." She heard embarassement in his voice. Though she wanted to see him too, hindi naman pwede. Ano na lang idadahilan niya sa mommy niya kapag nagtanong ito kung sino si Reese at bakit ito pumunta ng dis oras ng gabi. "Saan mo nga pala nakuha ang landline ko?" Pag-iiba niya sa topic." "Kinuha ko kay, Benj," sagot ni Reese. Kumunot ang noo niya. What's going on with Benji? Bakit ba parang pinagtutulakan siya ng kaibigan kay Reese. Hindi ba dapat tinanong siya muna nito bago ibinigay ang number niya sa iba. Alam naman na nito na complicated ang situation. Pero ano pa bang magagawa niya? "Bakit ka nga pala napatawag?" "Uh, about our date tomorrow..."mahinang usal nito. "Oh... that..." "Yeah... hmm, what time can I pick you up?" Mahinang hinampas ni Penelope ang hita niya kaya napatingin siya dito. "Answer him!" She mouthed again. Bahagyang pinandilatan niya ito ng mata. "Mona? You still there?" "Y-yes, I'm still here.." "So... can I pick you up tomorrow?" Tanong nito uli. "Reese—" "You said yes, Mona." He cut her off. "And don't worry.. I wouldn't do anything against your will." Nakagat ni Ramona ang ibabang labi, nag-iisip ng isasagot niya. "Yes!" Udyok pa ni Penelope. Bakit ba? Palagi na lang siyang pinipressure ng mga 'to? "Mona?" Si Reese. "Sagutin mo na!" Si Penelope. Naiiling na napahilot siya sa sentindo. "Okay, okay.. pick me up around four pm?" "Yes! I'll be there 4pm sharp!" Kinagat niya ang ibabang labi para pagilan ang mapangiti. She could here the relief in his voice. "I'll hang up now..." "Sure. See you tomorrow— by the way, Mona.." "Yes?" "Thank you..." "See you, Reese." Pagbaba niya sa telepono, kinikilig na sumandal sa headboard ng kama si Penelope hawak ang dibdib nito. "OH! EM! GEE!" "Ang OA mo, Pene." Namumula ang pisnging inabot niya ang unan sa tabi at niyakap. "Kinikilig ako sa inyo, eh! Ano 'yan... tagu-taguan ng feelings?" "Walang gan'on." "Wala? Akala mo si Reese lang napapansin ko? Duh! Huling-huli din kaya kita kapag tumitingin ka sa kaniya!" Pinanlakihan siya nito ng mata. "Umamin ka na!" she buried her blushed face on the pillow. "Ano naman aaminin ko..." Penelope rolled her eyes. "Na may gusto ka kay Reese!" Hindi siya umimik nanatiling nakasubsob lang mukha sa unan na akap-akap. Ano namang akala nila ganon kadali iyon? Magpinsan si Reese and Wesley at sila ni Mads. Hinila ni Penelope unan sa kaniya. "Come on! Hindi naman decision ng presidente ang gagawain mo!" "Wala akong aaminin, Penelope. I will consider that date as a friendly date, okay? Since na-pressure lang naman ako sa pangungulit niyo." bumuntong hininga siya. "At isa pa.. may boyfriend na ako at magpinsan sila. Ayokong magkaroon ng bad blood 'yung dalawa dahil sa'kin." "Hello, Mona! Naging boyfriend mo lang naman si Wesley dahil sa pakiusap ng Mama niya. You don't even like him, don't you?" Umiling-iling siya. "B-but, still... he's my boyfriend." "Edi makipag-hiwalay ka! Tapos ang problema mo!" "And what about, Mads?" Sulyap niya sa kaibigan. "She'll understand you for sure... hindi naman rin siguro gusto ni Mads na yung crush niya ay may crush sa pinsan niya!" Isinubo nito ang isang buong strawberry at saka maingay na ngumuya. Pero hindi nga gano'n. Alam niya ang magagalit at masasaktan si Maddision. "Please, Pene. It's not that easy." Umiling-iling ito. My friend... there is no easy way when it comes love... sabi nga sa nabasa ko, Love requires sacrifices, but it's worth it. So... why don't you try?" Worth it? Kahit hindi na lang si Wesley ang isipin niya... but, Mads? kaya ba niyang isakripisyo ang samahan nila, na halos kapatid na ang turingan? Para saan... kay Reese? Na hindi nga siya sigurado sa tunay na nararamdam para sa kaniya. She's sure it's not love... maybe infatuation? "Take the risk or you'll regret that you let go of the chance to be with someone you really like." Dagdag pa ni Penelope. Namaluktot siya at nayakap na lang ang sariling mga binti... ♡ ♡ ♡ The next day. Ramona wore a blushed pink laced-up dress that compliments her porcelein-white skin. It hugged her body perfectly. Her hair is well arranged in french braid. And to finish her look, she put on a light make-up to hide her freckles. Pero visible pa rin iyon at naitago lang ang kaunti. "Mona!" Rinig niyang tawag ng kaniyang Mommy mula sa ibaba. Huminga siya ng malalim at tinitigan ang sarili sa salamin. This is just a friendly date, Mona. Why are you so nervous, huh? Chill out! Ngayon lang siya kinabahan ng ganito. Nag-da-date rin naman sila ni Wesley but she didn't felt this way before. Hindi rin siya gano'ng nag-wo-worry sa suot niya. Pero ngayon, lahat 'ata ng damit sa kabinet naisukat niya. Nagbabad pa siya sa bathtub na may aroma oil para ma-relax ang isip at senses niya. "Mona!" She heard her mom again shouting downstair. "Someone is outside and looking for you! Come down, honey!" Ramona picked up her purse. One last look in the mirror, she went downstair. ♡ ♡ ♡ Sinalubong siya ng mommy niya. Nanunukso ang titig nito sa kaniya. "Who's that gorgeous looking man outside, hmm?" "A new friend, Mom." Kumapit ito sa brason niya at sabay silang naglakad papunta sa salas. "Oh... I asked him to come in. But he refused and he looks so nervous..." marahan itong tumawa. "Mom..." "What?" Pagpapatay malisya nito. "Pinsan siya ni Wesley." "Oh, well... that's interesting. So, kasama niyo ba si, Wesley?" Marahan siyang umiling-iling. "Hindi po." "Does Wesley know about this?" Bumuntong hininga siya at umiling ulit. "Hindi rin po." Huminto sa paglalakad ang mommy niya at pumihit paharap sa kaniya. "May hindi kaya sinasabi sa'kin my dear daughter?" Hindi naman lihim sa mommy niya ang tunay na dahilan bakit naging sila ni Wesley. Though, pinagsabihan siya nitong mali ang nais niyang gawing pagtulong kay Wesley na mailayo ito sa mga bad influence na kaibigan, hinayaan pa rin siya nitong magdesisyon. Her mom respect her desicion, malalim man on mababaw na bagay. "It's um, complicated, Mom." Mahinang usal niya. "Okay... we can talk about it later, okay? But for now..." hinawakan nito ang kamay niya at hinila na siya papunta sa pinto. "Labasin na muna 'yung date mo! Kanina pa siguro 'yon hindi mapakali!" Tumawa si Ramona at nagpatangay na lang sa mommy. Kaagad na pumihit paharap si Reese nang bumukas ang pinto. Their gaze met. She can't help but stare at him for a moment. He's wearing a black shirt, underneath a denim jacket, faded jeans and black converse. He's hair is messy in attractive way. Like those cute boy next door guys on cable channel. He's really a gorgeous. Pwede itong maging prince charming sa mga palabas sa disney channel kapag nag-audition ito! Napapahiyang nag-iwas tingin si Ramona at yumuko para itago ang namumulang pisngi nang sikuhan siya ng mommy niya. "Good afternoon, Ma'am," magalang na bati ni Reese kay Mrs. Ainsley habang hindi inaalis ang tingin kay Ramona. "Ehem. Mona wont go anywhere. Kung titigan mo ang anak ko, parang mawawala siya sa paningin mo, ah." "Mom..." nahihiyang saway ni Ramona sa mommy niya. Lalo nang nag-init ang pisngi. Napapahiya at napapakamot naman sa batok na nag-iwas ng tingin si Reese. "I-I'm so sorry, Ma'am, I didn't mean to do that. I-I just can't help it. She really looks amazing— I mean, geez. What am I saying? I'm sorry po." Bumuntong hininga na lang ito sa embarassment na nararamdaman. Bahagyang natawa ang mommy niya. "It's fine, hijo. Relax. Nagbibiro lang naman ako. Huwag kang kabahan masyado diyan!" Nag-angat na ng tingin si Mona. At nakita ang namumulang mukha ni Reese hanggang tainga. Panay ang punas ng panyo sa noo nito na pinapawisan kahit malamig naman ang panahon. Alanganing ngumiti si Reese. "Thank you, Ma'am." Tumango ang mommy ni Ramona. Just bring my daughter home, exactly 10pm, okay? Or else... hindi ka na makakaulit." "Yes, Ma'am!" Mabilis na sagot ni Reese. "Don't worry I'll bring her home before 10pm and thank you for trusting me your daugther." Ngumiti ang mommy ni Ramona saka bumaling sa kaniya. Hinalikan nito ang pisngi niya. "Don't forget to update me from time to time, okay?" "Yes, mummy." "Sige na, umalis na kayo. Enjoy!" Kumaway pa si Ramona sa mommy niya bago nilakad na nila ni Reese ang lawn. Napatitig siya sa kamay nito at napansing parang medyo nanginginig yung kamay nito. "Are you okay?" 'Di niya napigilang itanong Lumingon si Reede at napakamot sa gilid ng pisngi nito. "Y-yeah.. yeah.. why?" "You're hands are shaking, Reese." Tumigil ito sa paglalakad at pumihit paharap sa kaniya. Nagpakawala ito ng buntong hininga. "I'm sorry, this is new to me..." "Ang alin?" Nagtatakang tanong niya. "Being on a date..." Anong ibig sabihin nito? Wala pang itong naka-date dati? Tila nabasa naman ni Reese ang nasa isipan niya. "It's not like I didn't go on a date before. But this is different..." Kunot ang noong tinitigan niya ito. Hindi maintindihan ang nais nitong iparating. He sighed. "I've only been on casual dates before. And I've never tried to impress their parents. It's only with you that I'm making a serious effort." Tila gustong lumabas ng puso ni Ramona sa kaniyang dibdib. Aktong magsasalita siya nang lumampas ang tingin niya sa balikat ni Reese. Ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ni Ramona nang ibinalik ang tingin sa binata. Reese was smiling from ear to ear. "You don't like it?" "What?! Are you kidding!" hindi na naitago Ramona ang excitement sa boses niya habang nakatitig sa classic mustang na nakaparada sa tapat ng bahay niya. She's really fascinated with old stuff. Bata pa lang si Ramona, nangongolekta na siya ng mga lumang coins at vintage na mga kagamitan. Something she inherit from her late father aside from her red hair. At nakakakita lang siya ng ganitong sasakyan kapag may libreng exhibit sa downtown! Ngayon ay makakasakay pa siya! Nakangiting inilahad ni Reese ang isang kamay sa kaniya. "Let's go?" Walang pag-aalangan na tinanggap ni Ramona kamay nito at nagpatangay na lang sa paghatak ng binata patungo sa sasakyan. "She felt a strange sensation when their hands touched each other... it's as if a faint electric current flowed through her entire body. ♡ ♡ ♡ "Where did you get this? I mean kotse niyo ba talaga 'to?" Tanong ni Ramona habang iniikot ang tingin sa loob ng sasakyan. Bumibiyahe ba sila at hanggang ngayon wala pa rin siyang clue kung saan ba sila pupunta. "No, I rented this." Nanlaki ang mata niya at mabilis na bumaling dito. "Whar?! Why? Mahal ang bayad sa rent ng mga ganitong vintage car! Hindi biro halaga kapag magrerenta ng ganitong sasakyan. Alam niya dahil nanonood at nagbabasa ng documentaries. Some parts of vintage cars, dahil sa kalumaan mahirap nang palitan kapag nasira. Usually kinokolekta at dinisplay na lang sa mga exhibit ang ganitong sasakyan. "I know you love old stuff." Natigilan siya, he rented this car.. para lang sa date nila? For her? "Who told you that?" Sumulyap ito saka tinataas-taas ang kilay. "I did some research." Siguro si Benjamin ang nagsabi dito. Dahil ang lalaking iyon rin ang source kung pano nalaman ni Reese ang landline niya. "Reese, sana 'di kana nag-effort ng sobra para sa friendly date na 'to..." "Hey, it's fine I know the owner. So, he gave me fifty percent discount and I'd like to make an effort for a friendly date.. you know." lumingon ito at kinindatan siya. Oh, that fatal winked, killed her dumb heart. ♡ ♡ ♡ DINALA siya ni Reese sa pinaka-lumang burger joint sa downtown. Iilan lang ang kainan sa lugar nila at ilang beses na rin silang kumain ng mommy niya dito. Bukod sa masarap ang pagkain sa restaurant na 'to, she also likes the ambiance of the place rin kasi.. very cozy at vintage. "Thank you." Aniya nang ipaghila siya ni Reese ng upuan. Naupo naman ito sa harapan niya at um-order ng pagkain nila. Tinanong siya nito kung anong gusto niya, pero hinayaan na lang niya si Reese na pumili para sa kaniya. While waiting for their order, naiilang na tinakpan ni Ramona ang mukha ng isang kamay. Narinig niya itong marahang tumatawa. "Why are you covering your face?" "M-May pimple ako sa ilong..." Hinawakan nito ang kamay niya at inalis. Medyo nagulat pa siya nang bahagya itong dumukwang palapit at tinitigan ang mukha niya. "Wala naman, ah? At kahit may pimple ka pa, you still look pretty for me." What did he said? She's still pretty for him?! Nag-init ang pisngi ni Ramona at nag-iwas ng tingin. Hindi nagtagal dumating ang waiter na naghatid ng order nila. Habang kumakain, nagtanong-tanong si Reese sa kaniya. He was trying so hard to ease the awkwardness in the air. Napansin ata nitong kung hindi ito magtatanong, hindi rin siya magsasalita. "You really are a shy girl.. aren't you?" Marahan siyang tumango. "Yeah... hindi ko gustong napupunta sa akin ang atention ng maraming tao. "Hindi ba, iyon ang gusto ng mga girls? Yung palagi silang binibigyan ng compliment at napapansin?" Nagkabit si Ramona ng balikat. "I don't know... depende siguro sa tao. Pero ako, ayoko. That's why sometimes, having a different of hair is curse. Kasi nakakauha siya ng atensyon ng ibang tao. They stared at me as if I looked like an alien." Natigilan siya nang abutin nito ang dulo ng buhok niyang mahaba at saka maingat iyong inikot sa daliri. "But your hair is stunningly beautiful, Mona..." Why does it feels like her heart skips a beat whenever Reese gives her compliment? Ramona's cheeks turned pink as she smiled, while Reese stared at her... as if she was the only one he could see... ♡ ♡ ♡ Tuluyan nang nawala ang ilangan sa pagitan nila ni Reese. Sa unang pagkakataon kasi napag-solo at nakapag-kwentuhan. Marami siyang nalaman tungkol kay Reese. Una na roon na tulad niya, wala na rin ang daddy nito na namatay sa isang car accident. He also mentioned the reason why he transferred in the middle of school year was he got into trouble in his old school. Hindi na nito idinetalye ang buong pangyayari. Hindi na rin naman siya nagtanong. Pansin niya kasing ayaw na pag-usapan ni Reese ang tungkol doon. However, what really surprised her was he can also play piano. Nagulat na lang siya nang tumayo si Reese sa harapan niya at inilahad ang isang kamay. Nagtungo sila piano na nasa gitna ng restaurant. He sat behind the old grand piano. While Ramona stood in front of him, gazing down as if she's dreaming. Nagsimulang tumipa ang mga daliri ni Reese sa piano. Ipinikit nito ang mga mata at tila napunta na ito sa ibang mundo, dinadama musika. It was sweet and haunting. She never heard sometime play so beautiful... Ilang sandaling parang tumigil ang mundo ni Ramona at si Reese lang ang nakikita niya. Tuwing susulyap ito sa kaniya at ngingiti, bumibilis ang pintig ng pulso niya. Para siyang dinuduyan at nakalutang sa ulap. Something she never felt to Wesley or anyone... Lonely rivers flow To the sea, to the sea To the open arms of the sea, yeah Lonely rivers sigh "Wait for me, wait for me" I'll be coming home, wait for me Nag-angat ito ng tingin sa kaniya. Noon lang natauhan si Ramona at napagtantong tapos na pala itong tumugtog. Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng restaurant. "Did you like it?" Nakangiting tanong nito, nakapamulsa ang mga kamay sa pantalon. Sunod-sunod na tumango si Ramona. "I love it, Reese. I love that song too. You're really good!" His facial expression soften. Then he held her hand. "Let's go, I wanna take you somewhere." "Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ni Ramona. Ang akala niya, after kumain ay uuwi na sila tulad ng routine nila ni Wesley kapag nag-da-date sila. "You'll find out later," anito sabay hila sa kaniya patakbo, palabas ng restaurant. "Reese!" Tumatawang nagpatangay siya sa binata. Lumingon ito sa kaniya at ngumiti. He's smile was brighter than the sun could ever shine... ♡ ♡ ♡ NAPASINGHAP si Ramona at dahan-dahan nilingon si Reese. "This is so beautiful..." Nasa pinakamataas na parte sila ng Waverly City. Ang kalsada paakyat sa kasunod na town. Lumiko si Reese sa open barrier. And here they are, watching the view of the whole city. The twinkling lights from the houses and establishments, brighten up the night. The moon is full and inviting. The stars scattered across the sky. This what a perfect night looks like. "How did you know this place?" Naglakad ito palapit at pumwesto sa likuran niya. "My Mom told me, this is the place where my Dad took her on their first date." "Oh..." He brought her to a place that holds a special spot in his parents heart. "Thank you for bringing me here, Reese. This is so perfect." "Perfect indeed..." Nang mag-angat siya ng tingin, nahuli niya itong titig na titig sa kaniya. Umihip ang malamig na hangin at nilipad ang hibla ng buhok ni Ramona. Tumaas ang kamay ni Reese at iyon sa likod ng tainga. "It's getting cold." Anitong hinubad ang suot na denim jacket at ibinalot sa katawan niya. "Baka lamigin ka..." "Thank you..." Ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya. "Tara doon tayo sa kotse." Iginiya siya nito sa kotseng nakaparada, limang hakbang ang layo sa kanila. Naupo ito sa hood ng at saka tinapik ang pwesto sa tabi nito. "Sit here.." Maingat na umupo si Ramona at saka tumingala sa kalangitan. Ang peaceful at ang tahimik ng gabi. "Do you know anything about stars?" she asked looking up at the tiny stars scattered across the dark sky. "Hmmm... it's a sun, right?" "No. Tinatawag lang ang star na sun kung may planet na nag-o-orbit around it." He nodded. "So, you're a sun..." Nilingon niya ito at nakitang nakahiga na ito sa tabi niya. Nakaunan ang ulo sa mga braso habang tinititigan rin ang mga bituin sa langit. "At bakit mo naman nasabi 'yan?" "Because my world revolves around you..." Hindi napigilang malakas na tumawa ni Ramona. "That's the corniest punchline I've ever heard!" But yeah, deep inside he's making him kilig! Natawa rin ito bago hinawakan ang kamay niya at bahagya iyong hinila. "You, genius... come here, lay down beside me. Mas maganda ang view kapag nakahiga ka dito." Nag-aalangan na tumitig si Ramona kay Reese. "Hindi ba masisira 'yan? Baka mahal bayaran mo sa rent." "It's fine. Come on." Wala na siyang nagawa, kundi humiga sa tabi nito. Magkadikit ang mga braso at binti nila. Parehas na nakatitig sa kalangitan. "You and Wesley... how long have you been together?" basag nito sa katahimikan. Nang mabanggit ang nobyo nakaramdam ng guilt si Ramona. Ngunit kaagad rin niyang sinaway ang sarili. Wala naman silang ginagawang masama. This is just a friendly date. Niyayaya rin naman siya ni Benji kumain sa labas. But not in fancy restaurant and an overlooking city view! Sigaw ng isip niya. "Ramona?" Napakurap siya. "I lost counting..." Hindi siya aware kasi lumilipas lang naman ang mga monthsarry nila ni Wesley. Di tulad ng iba nilang mga kaklase na kahit weeksarry gusto i-celebrate. "You lost counting... it means matagal na kayo..." bakas ang dissappointment sa boses na sabi nito. Nanatiling nakatitig si Ramona sa kalangitan. "I just wanna ask you something too." "What is it?" "Why are you doing this?" "What do mean?" She looked up to him. "This... asked me to go out?" "What's wrong with this?" He moved closer. "What's wrong? Pinsan mo si Wesley. And I'm his girlfriend—" "Benj told me everything," putol nito sa sinasabi niya. "Napilitan ka lang na sagutin si Wesley dahil sa kinausap ka ni Tita Carol." Ah, kaya ba ito nagkaroon ng lakas ng loob na yayain siya dahil pinupush ito ni Benji. Kailan pa natutong makialam ang lalaking 'yon sa personal na buhay niya? Ano pa kayang mga nasabi nun kay Reese? Ginawa siyang open book ni Benji! "Yes, but it doesn't mean—" "Do you really like him?" Putol ulit nito sa sinasabi niya. Aminado si Ramona na noon pa naman bago siya kausapin ng mommy ni Wesley, wala na siyang espesyal na nararamdaman para sa binata. Ang akala niya matutunan niya rin itong magustuhan. Pero sa ilang buwan ng relasyon nila, nanatiling isang kaibigan ang tingin niya rito. "Ramona." Lumapit pa ito sa kaniya hanggang sa naamoy na niya ang mabango nitong hininga. Bumilis na naman kaysa sa normal na t***k ang puso niya. "I-I..." "Answer me..." he moved closer. Humampas ang mainit nitong hininga sa labi niya. "Reese..." Their eyes lock. Their nose almost touching. She felt his lips lightly brushing against hers. "You don't really like him... don't you?" She shooked her head in confusion. "I don't know, Reese..." He cupped her face. "Then let me tell you." Yumuko ito para halikan siya, ngunit bago pa lumapat ang labi nito sa kaniya, natigilan si Ramona nang bigla na lang may lumipad papunta sa kaniyang dibdib. Nang sulyapan niya iyon, namilog ang mga mata ni Ramona sa pinagsamang gulat at takot nang makita ang ipis. "Ahhh!" Malakas niyang tili. Natatarantang bumangon sila ni Reese. "Oh my god! Reese! Alisin mo! Please! Reese!" Hysterical na pinagpag niya ang damit. Sa kamalasan lalo pang pumasok ang insekto sa loob ng damit niya. Nagmamadaling hinubad ni Ramona ang jacket ni Reese na suot niya. At hinila ang neckline ng kaniyang dress. Wala na siyang pakialam kung masilipan siya. Hindi niya kinakaya ang magaspang na texture ng ipis. "Grab it!" Utos niya kay Reese. "Okay! Don't move!" Nagpapanic na hinawakan ni Reese ang braso braso niya. Ngunit nang subukan nitong hulihin ang insekto, iba ang nahawakan ng binata. Namilog ang mga mata ni Ramona at awang ang labi napatitig kay Reese. Oh my! Did he really touched her boob?! ♡ ♡ ♡ Pulang-pula ang pisngi ni Ramona nang huminto sila ni Reese sa porch ng bahay niya. Hindi niya magawang salubungin ang tingin nito. Ganoon rin ang binata sa kaniya. Sobrang awkward habang pauwi sila. Walang nagsasalita sa loob ng sasakyan. He apologized though. Wala naman itong kasalanan. Siya ang nag-utos dito na hulihin ang insekto. Ang tunay na may kasalanan ang ipis na yon! "I-ingat ka pag-da-drive.." Marahang tumango si Reese na hindi rin makatingin ng diretso sa kaniya. "Thanks for this night, Mona. I gotta go.." "O-okay..." Nag-angat siya ng tingin at nahuling titig na titig pa rin ito sa kaniya at hindi natinag sa kinatatayuan nito. “I thought you’re going—“ Natigilan si Ramona sa pagsasalita nang biglang yumuko si Reese at mabilis siyang hinalikan si pisngi. “I can go now.” Anito saka nagmamadaling tumalikod at umalis. Naiwan si Ramona na tulala. Wala sa sariling hinawakan niya ang pisngi. He kissed her. It was light as a feather but… enough to warm her heart. ♡ ♡ ♡
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD