bc

Ten Steps Forward

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
family
HE
badboy
drama
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Paano ba mag move on?

Minsan Akala natin nakapag move on na tayo dahil wala na yung sakit, pero nakapag move on ka nga ba o nasanay kalang sa sakit?

Minsan akala natin na diretso yung tinatahak nating daan pero paikot ikot lang pala.

chap-preview
Free preview
Meeting the Greek God
Cicily Torres (Alarm beeping) “Bagong araw, bagong simula,“sabi ko sa sarili ko. Alas singko na ng umaga, ang paborito kong oras sa buong araw kung saan nakikita ko ang pagsikat ng araw. Binuksan ko ang bintana sa kwarto ko, malamig na simoy ng hangin ang bumungad sa akin. Naririnig ko ang huni ng mga ibon na parang musika, nakita ko rin ang pagsakop ng araw sa paligid…napakagandang tanawin. Nakita ko si Tiya Mila na nagwawalis ng bakuran. Limangpung taon na si Tiya Mila pero sa itsura niya ay parang nasa 40's palang siya. Su-ot niya ang asul na ternong pantulog na paborito niya. Si Tiya ay kapatid ng tatay ko. Mula noong nawala ang mga magulang ko dahil sa aksidente, siya na ang kumupkop sa akin. Siya rin naman ang gusto kong Tiyahin sa lahat ng mga tiyahin ko, inaalagaan niya ako ng hindi ako sinisingil ng utang na loob. May ibang mga tiyahin din naman ako pero ang baba ng tingin nila sa amin porket maginhawa ang mga buhay nila, bukambibig nila palagi kaya kami naghihirap kasi hindi kami nagsisikap, nag asawa daw ang tatay kaya hindi nakapagtapos ng kolehiyo. Si Tiya Mila naman, nakapagtapos ng pag-aaral at nagtayo ng negosyo pero dahil sa bisyo ng dati niyang asawa nalugi ang kanyang negosyo. Hindi na rin nakapag-asawang muli si Tiya simula noong iwanan siya ni Tiyo Lino, kaya kami nalang dalawa ngayon. Pero kahit na ganoon ay masaya naman kaming dalawa. Si Tiya ang tumutustus sa pag-aaral ko ng kolehiyo ngayon, may negosyo si Tiya na mga Ukay-ukay at Tailoring shop, ako ang nagma-manage ng Ukay-ukay sa ngayon dahil busy si Tiya sa pananahi. Lumabas na ako ng kwarto at nagluto ng agahan. Sakto naman ang pagdating ni Boboy, nagtatrabaho siya sa Tindahan ng Ukay namin, magkasing edad lang kami pero hindi na siya nag-aaral ng kolehiyo dahil siya na ang bumubuhay sa kapatid at nanay niya. Matagal na siyang nagtatrabaho sa amin at napagpag-aral niya ang kapatid niya dahil doon. Hindi na rin sila iba sa amin, kamakailan lang naging mananhi narin ang nanay niya sa Tailoring shop namin kaya may katulong na si Tiya sa pananahi dahil mas dumarami ang mga orders ngayon. “Cicily, anong ulam?”, tanong ni Boboy. “Wala pa magsasa-ing palang po ako boss”, pang-aasar kong sabi. “Maka-boss ka naman, nakakahiya”, natatawang sabi niya. “’Yang pagmumukhang yan nahihiya pa talaga , araw-araw ka nga dito kumakain eh”, pang- aasar ko. “Ito naman para namang hindi mo ako magiging Future Husband”, pang-aasar niya. “Naku boy kong magiging asawa kita malulunod ako sa konsimisyon dahil nerbiyoso ka, masugatan nga lang yang kamay mo nahihimatay kana, kapag may ipis nga da-ig mo pa ang tili ni Greta, kaya wag nalang okay na ako “, natatawa kong sabi. Sakto naman ang pagdating ni Greta. Siya ang kaibigan kong binabae, pareho kami ng College na pinapasukan. Nag-iisang anak si Greta, maswerte rin siya at tanggap ng mga magulang niya kung ano siya. Su-ot niya ang binigay kong shorts at oversized t-shirt. Gwapo sana ang baklang 'to, matangos ang ilong, matangkad, mistiso at mala Superman ang mukha pero ang lambot ng beywang. “Bakit na naman ako nasama sa usapan ninyo?” tanong ni Greta. “Wala, ang ganda mo raw”, sabi ni Boboy. “Alam ko na yan no. Mahal kita Boy pero tigil tigilan mo tung kaibigan ko dahil prince charming ang hinahanap niya, hindi masiba kumain”, pang-aasar ni Greta. “Prince charming naman ako…” “shhhh…”, awat ni Greta kay Boboy. “Anyway, gurl nandito ako dahil gusto ko ring makikain… charot lang , gusto kong mag apply as assistant mo sa “Tiya’s Ukay-ukay”, since summer ngayon kaya i hire mo na ako now na !”, sabi ni Greta. “Naku! Ayan na naman tayo Greta, guguluhin mo na naman mga arrangements ko,” sabi ni Boboy. “Because I know how it is done,” sabi ni Greta sabay pose. “Oo, sige na tama na yan tulungan niyo nalang ako dito para maaga tayong makapagbukas ng tindahan ngayon,” sabi ko sa kanila. Tinulungan nila akong magluto, at ng matapos kami sa pagluluto tinawag ko na si Tiya para sabay-sabay na kaming kumain. “Greta, tutulungan mo ba sila sa tindahan sa buong summer break niyo?,” tanong ni Tiya kay Greta. “Yes po kaya ihanda niyo po ang mga sarili ninyo dahil nandito na ang magpapasold-out ng mga Ukay-ukay ninyo,” sabi ni Greta. Tawang-tawa naman si Tiya. Alam ko namang kapag nandoon si Greta sa tindahan marami talaga kaming benta kasi maraming strategy ang baklang ‘to, hindi matahimik ang bibig. “Siya nga pala, death anniversary ng tatay ngayon kaya may pakain sa bahay kaya doon tayo maghahapunan mamaya,” sabi ni Boboy. “Ay sa wakas! May puto cheese ba? pakisabi sa nanay mo damihan yung cheese,” sabi ni Greta “Serena ka ba o daga? Ang hilig hilig mo sa cheese, pasalamat ka malakas ka sa nanay ko dahil natutuwa siya sayo,” sabi ni Boboy. “My God! sa bahay nga panay request mo ng fried chicken, palibhasa inuuto mo tatay ko na marami kang alam sa pag-aalaga ng manok,” natatawang sabi ni Greta. Nagkwentuhan muna kami ng ilang minuto saka kami nagligpit ng mga pinggan. Mag aalas otso na ng umaga nung naglakad na kami papuntang tindahan. Pagdating namin, agad na kaming nag-display ng mga damit. Nangungupahan lang kami dito sa pwesto namin sa tapat ng parlor, maganda ang pwesto dito dahil maaliwalas, hindi mainit, may mga puno’t halaman sa paligid. Dati itong laundry shop ni Lola Minda, kaya nung nagpasya siyang magsara agad na lumipat si Tiya na dito magtinda ng mga Ukay-ukay. Sa likurang bahagi naman ng tindahan ang bahay ni Lola Minda, 70 years old na siya, mga nagosyante ang mga anak niya minsan ko lang nakikitang umuuwi dahil may kanya kanya na ring pamilya, ang kasa-kasama lang ni Lola Minda ay ang katiwala nilang Si Ate Myrna. Malaki ang bahay ni Lola Minda kaya minsan gusto niyang kasama ni Ate Myrna ang mga anak niya para kahit papaano ay maaliw siya, minsan naman tumatambay siya dito sa tindahan kapag wala si Ate Myrna. “Ang hina ng wifi ngayon,”sabi ni Boboy. “Ito naman kung makareklamo akala mo may sariling wifi, nakiki-connect nga lang tayo sa wifi ni Lola Minda eh,” sabi ni Greta. “Lalakas din ang connection niyan mamaya, sa ngayon ayusin muna natin tung mga paninda,” sabi ko. Inayos na naming ang mga paninda at nagwalis ng sahig para ready na kami kapag may mga costumer na. Ilang minuto pa ay dumating si Lola Minda. “Cicily…” tawag ni lola Minda. “Bakit po?” sagot ko. “Naku may ipapakilala ako sa inyo” nakangiting sabi ni lola. “May Fried chicken po?” tanong ni Boboy. “My god! Kakain mo lang boy, wag kang patay gutom” sabi ni Greta. “O siya tama na yan, may fried chicken don sa kusina pero dumating yung apo ko kagabi ipakikilala ko kayo sa kanya” excited na sabi ni lola. “Gwapo po ba?” kilig na tanong ni Greta. “Kasing kisig ni Boboy” pabiro ni lola. “Naku sinasabi ko na nga bat maraming naakit sa akin” sabi ni Boboy sa Mr. suave na boses. “Ay naku pass po ako lola, okay napo ako na ito lang ang kasama naming unggoy” sabi ni Greta sabay turo kay boboy. “Nakakasakit ka na talaga ng damdamin Grethoben Jr” sabi ni Boboy. “Tama na yan” awat ni lola sa dalawa. “Basta mamaya pakikilala ko kayo, gwapo yun, matalino at talented, pakiramdam ko kasi bored siya rito iba doon sa syudad marami siyang kaibigan kaya kaibiganin niyo naman kung pwede para may kausap naman na kasing edad niya.Gusto ko nga siyang isama rito pero ayaw naman lumabas, nasanay kasi sa syudad na sa gabi lang gumagala” sabi ni lola. “Sige po, mamaya po pagkatapos naming magsara ng tindahan pupunta po kami sa bahay niyo” sabi ko. “Naku lola Minda sinasabi ko sa inyo bampira yang apo mo” biro ni Greta. “Charot lang po… kung bampira siya gawin niyo po akong pa-ing magpapakagat po ako” dagdag pa ni Greta. “Naku, walang kakagat na kahit sinong bampira sayo dahil berde ang dugo mo” tawang tawa na sabi ni boboy. Natawa naman si lola sa dalawa, nagpaalam narin siya dahil magwawalis pa siya ng bakuran. Makalipas ang isang oras, may mga costumer ng nagsidatingan. Dumating narin yung mga bagong orders namin kaya magiging busy kami ngayon sa pagka-clasify ng mga damit at paghahanda ng mga bulk orders ng mga suki namin. Pasado alas onsi na ng tanghali nung nakapagpahinga kami, kumain na rin kami. Busy si Boboy sa pagbubuhat ng mga sako sakong Ukay-ukay, nagli-live selling naman si Greta at nagpa-pack naman ako ng mga orders online. Bigla kong naisip yung apo ni lola Minda, ilang taon ko nang kilala si lola Minda pero ni minsan hindi ko nakita mga apo niya, noong nakaraang birthday nga ni lola Minda inimbitahan kami pero pamilya lang ni ate Myrna at si Lola ang nandun sa bahay, ganoon na ba talaga ka busy mga anak at apo ni lola na kahit sa mismong birthday ng nanay nila hindi man lang makapunta? Pero kung sa bagay hindi ko naman alam pangyayari sa mga buhay nila. Kung titingnan ko naman si Lola parang nasanay na naman siyang si ate Myrna ang kasama at hindi ang mga anak niya, kaya siguro excited si Lola na ipakilala ang apo niya dahil ngayon lang may tumirang kapamilya niya diyan sa bahay niya, mabait naman si Lola. Kung si ate Myrna naman ang tatanungin sobrang bait daw ni lola kaya nga daw hindi na siya naghanap pa ng ibang trabaho dahil ayaw niyang iwan si lola at minsan daw sobra sobra pa nga raw ang binibigay ni lola na sweldo sa kanya tapos pwede pa niyang isama ang mga anak niya kapag walang pasok. Minsan nga mas nagiging pamilya pa ang turing sayo ng hindi mo kaano ano kaysa doon sa mga kadugo mo. Naiisip ko minsan kung may mga panahon bang nagiging malungkot si Lola, wala narin akong mga magulang minsan nalulungkot ako pero sa tuwing nakikita ko si Tiya, Boboy, Greta at mga pamilya nila ,naisip ko na kahit papaano maswerte parin ako dahil may mga taong mahal ako gaya ng mga magulang ko, yun din siguro ang naiisip ni Lola Minda sa tuwing malungkot siya. Maaga kaming magsasara ng tindahan ngayon kasi magluluto pa raw si Boboy ng mga handa para sa hapunan kaya tutulong narin kami. Pagkatapos naming magsara ng tindahan pinuntahan naming si Lola Minda. “Lola nandito napo kami” sabi ni Boboy. “Gurl gwapo kaya yung apo ni Lola?” tanong ni Greta. “Ayan kana naman friend puro ka gwapo kaya inuuto ka ng mga kaklase natin eh, saka isa pa gwapo naman talaga lahat ng mga lalaki sa paningin mo si Boboy lang ang hindi” biro ko. “alam mo may point ka diyan gurl, push natin yan hanggang sa kainin ng lupa si Boboy” tawang tawa sabi ni Greta. “Hoy kayung dalawa , kahit ganito ako pang future husband tung level ko…” sabi ni boboy. “shhhh!”awat ni Greta kay Boboy. “Pumasok na nga lang tayo baka hindi tayo narinig ni Lola” sabi ko. Pumasok nalang kami para hanapin si Lola pero pagpasok namin sa sala wala namang tao. “sino kayo?” Natigilan kaming tatlo sa tinig mula sa hagdanan. Lumingon kami at nakita ko ang lalaking naka hoodie at naka headphone. Matangkad yung lalaki parang basketbolista, parang nasobrahan sa gluta yung balat niya, kung hindi ‘to mayaman iisipin ko talagang bampira siya. Hindi ko talaga ugaling mag compliment ng tao lalo nasa mga lalaki pero ang lalaking ‘to parang anak ng Greek God, sobrang gwapo walang sinabi yung campus crush sa school namin. Natulala lang akong nakatitig sa kanya, may kinuha siya sa bulsa niya … isang vape. Bigla akong natauhan, pinaka ayaw ko sa lalaki yung may bisyo, parang ngayon lang naging crush ko siya, ngayon lang din biglang ayaw ko na. Ramdam ko talagang problema ang dala ng lalaking ‘to. “Ay ikaw siguro yung apo ni Lola Minda, pinapunta niya kami rito” pabebeng sagot ni Greta. “I’m Greta, ito si Boboy at ang best friend ko si Cicily” pakilala ni Greta. “Future Husband ni Cicily” dagdag ni Boboy. “Naku hindi single tung kaibigan ko, malawak lang ang imahinasyon nitong si Boboy. Di ba Boboy?” sagot ni Greta. Tumango lang yung lalaki sabay sabing, “Nasa kusina si Lola” sabi niya. “Ay hindi, pinapunta niya kami rito para makilala ka” sabi ni Greta sabay ngiti. Bumuntong hininga yung lalaki saka nagsalita. “Zeus… Ako si Zeus. You can all leave now.” sabi niya sabay akyat pabalik sa kwarto. Ang gwapo gwapo pero suplado naman, Greek god nga Zeus ang pangalan ugaling Hades naman. Confirmed na talaga permanently deleted na siya sa crush list ko. “Problema ng taong yun? Biglang na stress beauty ko day” sabi ni Greta. “O, ana kayo ngayon? Gwapo lang yun, mabait ako” sabi ni Boboy. “Super correct! Mabait ka lang” biro ni Greta kay Boboy. “Hay! Puntahan na nga nalang natin si Lola Minda ng makaalis na tayo” sabi ko. Pinuntahan namin si Lola Minda sa kusina. Abala pala siya sa pag gawa ng cookies. “Lola ang sarap naman ng mga yan”sabi ni Boboy. “kakain na naman yan”sabi ni Greta. “Nandito na pala kayu. Gumagawa ako ng cookies paborito ito ng apo ko” sabi ni Lola. “Yung Zeus po?” tanong ni Boboy. “Oo paano niyo nalaman pangalan niya?” tanong ni lola. “Nakilala na po namin siya doon sa sala” sabi ko. “Alam niyo po, suplado pala yung apo niyo pinaalis po kami” sabi ni Greta. “Naku, pasensya na kung sinungitan niya kayo pero mabait naman yun, nagmana lang siya sa tatay niyang may pagkasuplado” sabi ni Lola. “Bakit po biglang naisipan ng apo niyo na dumito muna, eh sa tagal po naming nangungupahan ng pwesto sa tapat nitong bahay ngayon lang namin siya nakita dito?” tanong ko. “Sabi niya malungkot daw doon dahil mag-isa lang siya sa bahay nila palagi kasing may business trip mga magulang niya, nagkaproblema din daw doon sa school niya nakipag away daw kaya dito muna siya” sabi ni Lola. “Ayun! Nakipagsuntukan pala” sabi ni Boboy habang kumakain ng cookies. “Siya nga pala, death anniversary ng tatay ko ngayon may handaan po sa bahay, punta po kayo sama niyo po si ate Myrna at Zeus para may kasama ako sa inuman” sabi ni boboy. " Duh! tigil tigilan mo na yang kakasambit ng inuman boy nung isang buwan nga halos lumuwa na lahat ng organs mo sa kakasuka dahil nakipag inoman ka sa tatay ko." sabi ni Greta. Napangiwi naman si Boboy. "Naparami lang ako ng inom ng panahon na yun" depensa ni Boboy. "Tama na nga yan, mabuti pa umalis na tayo at baka gabihin tayo sa paghahanda ng hapunan" sabi ko. " Ganito nalang , magdadala din kami ng pagkain sa inyo mamaya, magpapaluto ako ng fried chicken kasi paborito mo yun" sabi ni Lola kay Boboy. Todong ngiti naman si Boboy. "Sige po" sabi ni Boboy. Umalis na kami sa bahay nina Lola Minda, nakita ko pa si Hades na sumilip sa bintana. Parang multong nakaabang, tinitigan niya lang kami habang papalayo sa bahay nila. Bakit kaya ganun si Hades ? Baka nga mga kauri niya lang ang gusto niyang kaibiganin pero ano nga bang pakialam ko ? ... Wala .

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
81.8K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

The Ex-wife

read
241.1K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
60.3K
bc

Governor Hidden Mistress

read
57.9K
bc

Lara's Seduction

read
182.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook