bc

KADUGO, KARIBAL (SSPG)

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
HE
age gap
friends to lovers
arranged marriage
kickass heroine
heir/heiress
kicking
office/work place
small town
cheating
enimies to lovers
professor
like
intro-logo
Blurb

“Let's get divorced, Yllnore!” Malamig at seryosong panimula ni Randolph pag-upo palang ng kanyang asawa.

Matamis na ngumiti si Yllnore, bago kunin ang basong may wine at nilagok ito ng walang pag-aalinlangan.

“Sign this, Yllnore.” May awtoridad na utos ni Randolph, napatingin naman sa papel si Yllnore mapakla itong napatawa pero agad din naging seryoso ang mukha.

“At bakit ko pipirmahan yan Mr. Laforme? Para ano, maging malaya na kayong dalawa ng babae mo??” Halatang nagulat si Randolph sa sinabi ng asawa.

“Hindi ko pipirmahan ang divorce paper na 'yan, kahit ano pang gawin mo. Hindi ko hahayaang maging masaya kayo ng babae mo!” Matapang nitong sabi bago tumayo sa kinauupuan nito.“

Yllnore!” Mariin niyang tawag sa pangalan ng asawa.

“Huwag mo akong subukan, Randolph! Isang tawag ko lang kay Don Laforme, sa kangkungan kayo pupulutin ng babae mo!”

chap-preview
Free preview
KADUGO 1
Ang katahimikan sa mansyon ng De Toro, biglang nasira dahil sa isang dalaga na kitang kita sa mga mata nito yung desperasyon. “Yllnore!!” Malakas na sigaw ni Cosette, galit na galit ang tinig nito. "Yllnore, lumabas ka dyan!" Nagngingitngit muli sa galit na sigaw ni Cosette mula sa labas ng mansyon. Napatingin naman ang ina ni Yllnore sa labas habang dahan-dahan na binababa ang hawak nitong tasa. “Ano ang ingay na iyon, Manang Lulu?” Kunot noo na tanong niya sa Mayor Doma. “Mukhang si Ms Cosette po Don Maude.” Magalang na sagot nito, kilala niya ang dalaga sa boses palang. “Ano na namang problema ng batang iyan, pwede naman siyang pumunta dito sa bahay na hindi sumisigaw sa labas!” Naiirita na sabi ni Donya Maude dahil nasisira ang katahimikan ng mansyon. Muling sumigaw si Cosette, mas malakas dahilan para tumayo na ang ginang at lumakad palabas ng kanilang bahay. "Anong kaguluhan ito Cosette?" Seryoso na tanong niya sa kanyang pamangkin, mababakas sa mukha ng dalaga ang galit. "Ilabas mo ang malandi mong anak Donya Maude! Ahas siya, inagaw niya sa akin si Randolph!" Walang galang na sigaw niya sa kanyang tiyahin. "Mag-ingat ka sa paratang mo Cosette, ang pagkakaalam ko'y si Yllnore yung nililigawan ni Randolph hindi ikaw. Hindi pa ba malinaw na si Yllnore ang gusto ng pamilya ni Randolph, hindi sa gaya mong anak ng hostess!" Pangungutya niya sa dalaga dahil hindi nagustuhan ng ginang ang tabas ng dila nito. "Matapobre kang matanda ka! Ilabas mo ang malandi mong anak! Matagal na kaming may relasyon ni Randolph, umeksana lang 'yang anak mong mahinhindutin! Hoy Yllnore lumabas ka dyan!" Muling sigaw nito na halos lumabas na ang ugat nito sa leeg. Nagising naman si Yllnore mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa magkakasunod na katok sa pinto ng kanyang silid. Bumangon ito para buksan yung pinto, bumungad sa kanya ang mukha ni Manang Lulu na may matinding pag-aalala. "Senyorita, ang pinsan mong si Cosette nasa labas umagang-umaga ay nanggugulo ito. Si Donya Maude ang kaharap niya ngayon." Kumunot ang noo ni Yllnore dahil sa narinig, dali-dali siyang tumakbo pababa ng hagdan. Naririnig na niya ang sigawan mula sa labas kaya naman dali-dali na siyang bumaba sa hagdan. "Umalis ka na Cosette bago pa kita ipakaladlad palabas ng pamamahay ko!" Galit ng sigaw ni Donya Maude. "Ganyan kayong mayayaman, akala mo kung sino kang nakapangasawa ng may kaya sa buhay! Dahil lang naman sa yaman ni Don De Toro kaya mo siya pinakasalan!" Nilamon na ng galit ang puso ni Cosette wala na itong galang sa tiyahin niya. "Cosette, mag-ingat ka sa sinasabi mo! Wala kang karapatan na pagsabihin ang aking ina ng ganyan!" Mataray na sabat ni Yllnore, salubong ang kilay nito habang nakatingin sa kanyang pinsan. "Bakit totoo naman, kalat na kalat nga dito noon! Pera lang ang dahilan kaya pinakasalan ng magaling mong ina si Don De Toro!!" Lumapit si Yllnore sa kanya pinsan at malakas itong sinampal. "Hinayaan kitang siraan at pagsalitaan ako ng hindi kanais-nais pero oras na dinamay mo ang aking ina, ibang usapan na ito Cosette! Anong pinagsasabi mong inagaw ko sayo si Randolph? So ikaw pala yung babaeng lumalandi sa kanya, yung babaeng kalat sa school na parang linta kung makakapit sa braso ng boyfriend ko! Wala akong inaagaw sayo Cosette, dahil kami ang unang magkakilala ni Randolph. Dayo lang kayo rito, kinumkop ng aking ina para makaahon kayo sa hirap. Tapos ano, ito ang isusukli mo?!" Hindi na nakapagpigil si Yllnore, dahil sa pagiging mabait nila ay masyado na silang inaabuso. "Baka nakakalimutan mong isa ka rin De Toro, dahil sa bisyo ng iyong ina naghirap kayo! Kaya huwag mong ipahid sa aking ina kung anong baho ng sarili mong ina!" Dagdag pa nitong sabi dahilan para lalong mang galaiti sa galit si Cosette. "Hindi mo ba alam Yllnore, buntis ako! At ang ama ng aking dinadala ay si Rondolph!" Malakas nitong sigaw, naikuyom ni Yllnore ang kanyang palad habang nanatiling taas noo pa rin nakatingin sa pinsan niyang si Cosette. "Kung talagang mahal ka ng sinasabi mong boyfriend, bakit nahuhumaling pa rin siya sa kagandahan ko? Bakit ako ang pinangakoan niyang pakasalan?" Sunod-sunod nitong tanong habang may ngisi sa labi. "Alam mo ba ang sabi niya sa akin, hindi mo maibigay kung anong pangangailangan niya-" "Kaya ikaw ang dinali niya, dahil madali kang mauto! Isa kalang parausan Cosette, masyado kang nagpapaniwala sa sinasabi sayo ni Randolph! Hindi pa ba nakakarating sayo ang balita, may kasunduan na si Don Laforme at aking ina para sa aming dalawa. Yang dinadala mo, ano sa iyong palagay papanindigan ni Randolph yan?" Seryoso niyang sagot sa kanyang pinsan. Lalong nag-alab ang galit sa mga mata ni Cosette. Muli sana siyang sisigaw ngunit natigilan ito nang makarinig ng busina mula sa kanyang likod. Sabay silang napatingin si Yllnore doon, nagliwanag ang kanyang mukha nang makilala kung kaninong sasakyan ito. Kay Randolph, dahil gusto niyang maging masama si Yllnore sa mga mata nito. Agad niyang kinuha ang kamay ng kanyang pinsan at biglang umiyak sabay luhod. Nagulat ang mag-ina sa inasal ng dalaga. “Anong ginagawa mo, umayos ka nga!” Sita ni Yllnore habang pilit na hinihila pabalik ang kamay nitong hawak ng pinsan niya. Ngumisi si Cosette, kinuha niya ang pagkakataong ito. Hinila niya yung kamay ni Yllnore para maitulak siya. Dahilan upan mapahiga ito, sakto namang lumabas ng sasakyan siya Randolph. Gulat na gulat naman ang mag-ina dahil sa kabaliwan ni Cosette. “Maawa ka, Yllnore! Hindi ko ginusto ang nangyari, maawa ka!” Umiiyak na sigaw ni Cosette, naging dahilan ito para tumakbo palapit sa kanya si Randolph. “What happened?” Gulong-gulo na tanong ni Randolph. “Kuya Randolph, tulungan mo ako!” Pag-iinarte ni Cosette. “Pinagtutulungan nila ako, pinuntahan ko si Ate Yllnore dito para kausapin siya.” Lalo pa itong umiyak, dahilan para lalong makaramdam ng awa si Randolph sasakyan. “Anong ginawa mo Yllnore, bakit kailangang humantong sa ganito?” Tanong niya sa kanyang kasintahan. “Mabuti at nandito ka na Randolph, may paguusapan tayo!” Malamig at seryoso na sabi ni Donya Maude. ~ITUTULOY

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
754.1K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.8M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
986.8K
bc

A Warrior's Second Chance

read
364.0K
bc

Not just, the Beta

read
350.5K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook