CHAPTER 25 "Ayiiieeee! Ang sweet n'yo naman po pala." Para akong napasong napakalas sa pagkakayakap ni Asher. Mukhang pati siya ay nahiya rin. "Ikaw na bata ka kung ano pinagsasabi mo." "Ayieee! Niyayakap nila isa't isa." Tukso nito. Naku naku kapag ako talaga napikon papatulan ko na itong batang ito. "Alam mo magsapatos ka na para makaalis tayo. Ikaw ah ang bata-bata mo pa ang dami mo ng alam." Nagsapatos na siya tapos ay umalis na rin kami. "Nandito na tayo," sabi ni Asher na nauna ng bumaba ng tricycle. "Ito pala ang school mo, Chloe?" tanong ko. "Opo, halika Ate Caliyah ituturo ko po sa 'yo ang classroom ko nung kinder ako." Hinatak na niya ako papasok doon sa school gate nila. Habang naglalakad kami ay panay ang kuwento niya tungkol sa karanasan niya sa school. Tulad na lama

