CHAPTER 24 Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. As in literal na natulala ako. Never kong in-expect na maririnig ko ang salitang ito sa kaniya. Magkaiba kasi kaming dalawa at alam ko na mas liberated ako. Kapag nga nagbabanggit ako related sa bagay na may kinalaman sa s*x nararamdam ko na hindi siya komportable. Ilang beses ko na rin siyang inakit noon pero hindi niya ako pinatulan. Pero ginawa ko lang naman iyon kasi gusto ko siyang asarin. Ang cute niya kasi kapag nahihiya. Feeling ko nga virgin pa itong isang ito at wala pang karanasan sa mga makamundong gawain. "Bakit natulala ka na d'yan?" tanong nito na nagpabalik sa akin sa totoong mundo. "Magpainit ka ng kawali para pagkatapos kong hiwaan itong hotdog, ipiprito na lang." "S-Sige." Kinuha ko ang kawali sa pinaglalagyan nito at i

