AWAKENED
FIERA
Hingal na hingal akong napaupo sa malawak na damuhan dito sa likuran ng bahay. May nag abot sa akin ng tubig kaya nilingon ko ito at mukha ni Ate Achira ang bumungad sa akin, na may hawak ng basong may lamang tubig.
Napangiti ako at tinanggap ito. Hindi sa akin naka tingin si Ate Achira, kundi sa matatayog na pader sa may Syudad ng Cantrea.
"Salamat, Ate Achira" sambit ko at humarap sa matatayog na pader kung saan naka tingin si Ate Achira.
Tahimik lang itong tumango at umupo sa tabi ko. Hindi masakit sa balat ang sinag ng araw, dahil narin sa barrier na ipinalibot ni Ate Achira sa buong bahay namin, pati sa may bakuran. Medyo malayo kami sa Centro at nasa medyo liblib na ang lugar namin.
"Fiera, pasensya na sa palagi kong sinasabi sa iyo. Alam kong nasasaktan ka, dahil hanggang ngayun, hindi parin ito lumabas. Minsan, iniisip ko ngang mahina ka, ngunit pag nakikita kita laging nag eensayo, naiisip ko na baka ihihanda lang ng katawan mo, bago mo matanggap ang kapangyarihan ng apoy." aniya habang nakatingin sa malayo. Lumingon ito sa akin at ngumiti.
"Pero simula ng nangyari, sampung taon na ang naka raan, ramdam ko ang malakas na enerhiya sa katawan mo. Siguro nga, baka nilinlang lang ako ng naramdaman ko dahil sa ka desperada ko, na maging kasabay na kitang mag ensayo ng kapangyarihan natin. Ngunit, iba ang ipinahiwatig ng enerhiya sayo. Parang nagbabala na hindi ka dapat pinakialaman sa kung ano man ang ginawa ko. Dahil sa oras na may magtangka man sa iyo, bago pa nila maitarak ang kanilang patalim, puprotektahan kana ng enerhiya sa katawan mo." aniya.
"Pano mo nalaman na may nag puprotekta sa akin, at denepensahan ako ng enerhiya bago paman may dumapat sa akin na patalim, Ate." sambit ko at napalunok. "Pinagtangkahan mo na ako?" sambit ko. Iyun lang naman ang paraan na naisip ko, kung bakit n'ya nalaman iyon.
"Sa totoo lang, Oo. Sinubukan ko, dahil nga interesado ako sa enerhiya sa iyo kaya ko iyon nagawa" aniya. Napatango nalang ako sa sinabi nito.
Bubuka na sana ang bibig ko para sabihin kay Ate tungkol sa laging lumabas sa panaginip ko, ng marinig namin ang boses ni Nanang na parang nahirapan.
"A-achira! Tumakbo na k-kayo ni Fiera!" at napasigaw pa ito, kaya dali-dali kaming napatakbo papasok ni Ate Achira sa loob.
Nadatnan namin si Nanang na duguan at nanghihinalo. Sa harap nito ay isang lalaking may kalakihan ang katawan. May isang kasama ito, na prenteng naka upo sa kahoy na upuan. May karangyaan ang damit nito, isang mayayaman.
"Asan na ang pambayad mo, Pising?" bagot na sambit ng lalaki, habang may hawak na pamaypay.
"W-wala na akong utang sa iyo, Seny---" nakabuga ito ng dugo. Agad akong lumapit kay Nanang, at denepensahan ito. Tinulungan ito ni Ate Achira pahiga malayo sa isang sundalong may kalakihan ng katawan.
"Hah, wag mo akong pinapatawa. Malaki pa ang utang mo saakin!" nanguuyam na sambit nito. Tumayo ito at dumako sa amin ni Ate ang paningin nito.
"May mga kasama ka palang pwedeng ebenta ng malaking halaga" malagkit na tingin nito sa katawan ko. Saka ko lang napagtanto ang suot ko. Sando na hapit sa katawan ko, at saya na pang ensayo, ngunit may sinuot naman akong panloob.
"W-wag mong galawin ang mga a-anak ko.." nanghihina na sambit ni Nanang. Tumawa ang lalaki at walang pasabi na tumayo at nag cast ng spell, at may namumuong tubig sa harap nito, isang Water weilder.
"Disparo" sambit nito at bumulusok sa direksyon nila Nanang at Ate Achira ang tubig ng biglang gumalaw ang katawan ko, at sinalo ang tirang iyun.
"Fiera!!!" sabay na sigaw nila Nanang at Ate Achira ng tumilapon ako sa pader at sapo-sapo ang t'yan na tinamaan ng tubig.
"Sinalo mo ang tubig ko." Tumawa ito na parang baliw. Ngumisi ako, ngunit napalis din iyun matapos marinig ang sinambit nito. "Hindi mo ba alam na may lason iyon?" aniya at saka ko naramdaman ang panghihina. Tila may pumipigil sa pag daloy ng dugo ko.
Napaupo ako sa sahig dahil sa narinig. Rinig na rinig ko ang sigaw ni Ate Achira ngunit hindi ko naiintindihan kong ano. Parang sirang plaka din na umilit-ulit sa utak ko ang tawa ng lalaking iyun.
Nakita ko din ang paglapit ng lalaking may malaking katawan sa pwesto nila Ate Achira. Nakita ko kung paano protektahan ni Ate Achira si Nanang.
Ganto nalang ba ako lagi? Laging mahina at hindi man lang magawang protektahan si Nanang? Minsan nakakapagod maging mahina!
Nakita kong bumagsak si Ate Achira at ang pagtarak ng espada sa katawan ni Nanang, ng biglang dumilim ang paligid.
Biglang nag-iinit ang dugo ko. Para itong nag-uumapaw sa apoy na ngayun lang nahipan at napakalas.
THIRD PERSON'S POV
Natatawang nakatingin ang lalaking mayaman sa taong sinaksak nito ngayun. Hindi pa nito nabunot ang espada, ng bigla nalang silang nakaramdam ng init na sumusunog sa kanilang mga balat.
Napalingon siya sa batang babae na sumalo sa kanyang atake, na ngayun ay nakatayo na at nakayuki habang nababalutan ng apoy pero hindi naman ito nasunog.
Nag-iba din ang kulay ng buhok nito. Ang dating kulay itim ay naging kulay pula at dilaw.
Pati si Achira na ngayun ay nanghihina na, ay manghang napatingin kay Fiera na nag aapoy.
"I-imposible! Nakakamatay ang lason na h-hinalo ko sa atake ko. Wala pang ni sino ang binuhay nun!" biglang nanginig na sambit ng mayaman.
Biglang inangat ni Fiera ang kanyang tingin sa lalaki at kita nito ang kulay dilaw at pula na mga mata.
Bigla itong ngumisi, at tila wala sa sarili.
"Lason ba, sabi mo?" malamig ngunit nangungutyang sambit ng dalaga. Nabigla si Achira sa narinig.
"Ang apoy ng dyosa ay kayang sumunog ng kahit na anong lason." aniya at unti-unti lumapit sa lalaki habang suot ang ngisi sa mga labi.
"Gusto mong sunugin kita? Lason ka kasi sa paningin ko." aniya at biglang nalang pinatinig ang kanyang kamay at biglang nasunog ang lalaki. Hindi na nito magawang patayin ang apoy sa katawan gamit ang tubig dahil na rin sa hindi madaling patayin ang apoy na iyon.
Nasa kanya na din ang atensyon ng lalaking may malaking katawan na kasama noong lalaking mayaman.
Inatake s'ya nito ngunit baliwalang sinangga at binali nito ang leeg ng lalaki, sanhi ng pagkamatay.
Biglang napatay ang apoy sa katawan ni Feira at lumapit sa pwesto ni Pising.
Nawalan na ng malay si Pising, ngunit ang init na naramdaman ni Feira ay hindi nawala.
Napakuyom ang kamao nito. Tanging nasa isip nya lang ay tapusin ang lalaking prenting naka upo pa rin. Sinubukang pigilan ni Achira si Feira ngunit tila wala itong narinig. Sirado na ang kanyang dalawang tenga at tanging maliit na boses sa kanyang utak ang kangyang sinusunod.
"Sunugin sya, patayin sya. Sinaktan nya si Nanay Pising."
Yan ang paulit-ulit na narinig nya sa kanyang utak. Unti-unti g lumabas ang isang bolang apoy na ang kulay ay kahel.
Dinala ni Achira sa may gilid si Nanay Pising at sinubukang gisingin para pigilan si Feira. Kahit medyo distansya na si Achira sa pwesto ni Feira ramdam na ramdam nya ang sobrang init na alam nyang nanggaling sa bolang apoy na nasa kamay ni Feira.
Blanko ang mukha at mata nito na nakatitig sa lalaki. Kahit hindi nya sabihin, halata na sa kanyang mukha ang takot.
"Anong klase halimaw ang nagising namin?" Sambit ng lalaki sa kanyang isipan. Hindi ito basta-bastang tao dahil sa mana na taglay nito. Dahan dahan itong lumapit sa pwesto ng lakaki na ngayun ay nanginginig na sa takot. Nakaupo pa rin ito pero ang kamay ay nnginginig na at hindi na kalmado ang kanyang isip.
"W-wag mong subukan na lumapit sa akin! You'll face a consequence if you dare lay a finger on me!" Nagawa pa rin nitong magsigaw kahit naman na nanginig na ang boses.
Fiera showed him a smirk that made the person in front of her shiver. She was about to release a strong fire magic when she heard Achira calling her name.
"Fiera! Tama na!" That made her stop at napalingon sa direksyon ni Achira. Nakita rin nitong kumilos ng bahagya si Pising at may malay na ito. Feira calmed down but ilang segundo ang lumipas ay ito nanaman ang nawalan ng malay.
Tila nabunutan ng tinik ang lalaki dahil sa nasaksihan. Achira handed the guy something at may sinabi.
"Wag na kayong babalik dito kung ayaw n'yo pang mamatay." Aniya habang nakatingin sa kasama ng lalaki na ngayun ay sunog na at walang buhay.
Kumaripas ng takbo ang lalaki at iniwan man lang nito ang kanyang kasama. Lumapit sa pwesto ni Fiera si Achira at binuhat. Kahit mabigat at nagawa nitong dalhin sa mahabang upuan na gawa kahoy at doon pinahiga ang walang malay na Fiera.
Umungol aa sakit si Pising kaya ito na naman ang nilapitan ni Achira. Gaya ni Fiera, dinala niya ito sa tabi ng dalaga at pinaupo.
"Nay, upo ka muna jan at ikukuha kita ng tubig." Sambit ng dalaga at tanging tango lamang ang naisagot ng matanda. Napatitig ito sa mukha ng dalaga na nasa tabi nito at hindi maiwasang mamangha sa nasaksihan kanina. Ito ang unang beses na nakita niya si Fiera na pinangtanggol sya. At ito rin ang unang beses na nakita niya ang ganon kapangyarihan ng dalaga.
"Kailangan kitang ipadala sa isang ligtas na lugar...." Aniya sa bulong na paraan.
Bumuntong hininga ang matanda at kahit kailan man ay handa na ito sa kanyang desisyon at iyon ay ang ipadala sya sa isang lugar na nasa isip n'ya.
"Ipapadala kita sa Elementia di Academia."