Kabado si Lettie. Kanina pa siya nagpalakad-lakad sa rooftop ng restaurant kung saan kikitain niya si Joaquin. Ito ang unang beses na magkikita sila ulit pagkatapos ng ilang buwan. Mabuti na lang at pumayag ito matapos kausapin ni Dimples. Bumalik ito sa Manila mula Negros para lang paunlakan siya. Paano niya kaya ito haharapin ngayon? Paano niya sisimulan ang pagsasabi ng totoo mamaya? Maniniwala kaya ito? Tatanggapin kaya siya nito? Ang daming gumugulo sa isip niya. Papayag kaya ito na pakasalan siya? Eh noong inalok niya nga ito ng kasal ay tinawanan lang siya. Hindi ito seryoso sa kaniya kaya natatakot siya sa magiging reaksyon nito mamaya. "Hindi ka pa ba napapagod?" Napaigtad siya sa gulat at muntik nang mapasigaw. Nilingon niya ang lalaking nakapamulsa habang nakatingin sa

