Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kusa na lamang tumaas ang isa kong kamay at pinadapo iyon sa kanang pisnge nito. Pero wala man lang itong reaksyon at mukhang ineexpect talaga nito na iyon ang gagawin ko. Nanatiling nakatingin ito sa akin at ni hindi man lang bumaling ang mukha nito. "Una pa lang huwag mong isipin na porke't may nangyari sa atin ay babastusin mo na lamang ako kung kailan mo gusto. Huwag mo rin isipin na porke't nagawa mong tikman ang katawan ko ay ikaw lang ang may karapatan sa akin. Dahil alam nating dalawa na walang nagmamay-ari sa akin. Wala kang karapatan na iparamdam sa akin ang ganito. Oo wala akong nakaniig nitong mga nakaraang taon pero ang mga naunang nakatalik ko ay malayong mas magaling at mas may respeto sa'yo. Now kung ayaw mong ireklamo kita sa mga

