"Alam mo ba nang marinig ko ang usapan niyo ni Kenneth, agad na naisip ko na hindi pala nagkakalayo ang ugali mo at ng kapatid mo. Pareho kayong sinungaling at mapagpanggap." Napangiti ako ng mapait, oo sabihin na niyang nagsinungaling nga ako pero alam niya ba ang dahilan ko? Kailangan ba talaga ay husgahan niya ako ng agad-agad dahil lang hindi ako nagpakatotoo? Hindi niya man lang ba iisipin na maaaring may mas mabigat akong dahilan at pinagdaanan? Kung tutuusin ay wala akong dapat pagbayaran! Kung tutuusin ay hindi ko kasalanan na nagbago siya, dahil siya ang pumili nung landas na iyon. Siya ang pumiling magbabago at Pero paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na, oo nasaktan ko siya! Pero nasaktan din ako. Hindi ba't patas na kami no'n? Kailangan pa ba na saktan din niya ako?

