Flashback "You look so innocent, Briel." Pinapanood ko ngayon kung paano bumaba at tumaas ang nakalantad nitong dibdib dahil sa paghinga nito. At hindi ko akalain na mabilis itong makakatulog dahil lamang sa nangyari sa pagitan namin. Siguro nga ay pagod na pagod ang isip at katawan nito and I kinda like it, seeing her in this situation. Mas malaya ko kasi itong pagmasdan. Kanina kasi ay nagpanggap akong nakatulog dahil ayaw kong malaman nitong alam ko na ang tungkol sa katauhan nito. Mas gugustuhin ko pang wala itong kaalam-alam dahil ramdam kong malapit ko na siyang makulong sa aking bisig. Kaya konting tiis na lang ang dapat kong gawin sapagkat ramdam ko na ang nalalapit na araw ng pag-angkin ko rito. Ewan ko ba, hindi ko maunawaan ang sarili ko. Kung tutuusin nga ay hindi ko da

