Nakahinga ako ng maluwag at pinagmasdan ko na lamang ang papalayong bulto ni Rohws. Pagkatapos ko kasing sabihin ang mga salitang sumugat sa ego nito ay agad ring lumarawan sa mukha nito ang inis at pagkapikon na nauwi rin sa pag-alis nito. "Anong nangyari?" Dalawang salita pero alam ko na kung ano ang pinapahiwatig o tinutukoy ni Kenneth kaya binitiwan ko na ang braso nito nang hindi ko na matanaw ang papalayong bulto ni Rohws. Nakita ko pang bumaba ang mga mata nito sa kamay ko na na tinanggal ko sa braso nito pero sandali lamang iyon at hinarap na lamang niya ako upang hintayin ang mga sasabihin ko. "Kailangan kong umalis ngayon din Kenneth." Mahinang sambit ko na naging dahilan upang kumunot ang noo nito. "Bakit? Dahil pa rin ba kay Rohws?" Tanong nito at halata sa boses nito na pa

