Cathy POV Ilang sandali lang, narinig namin ang tunog ng mga sasakyan. Mga pulis. Kasunod nila, isang pamilyar na presensya. “Cathy…” Napalingon ako. Kuya Greg. Hindi ko napigilan, tumakbo ako papunta sa kanya. “Kuya…” mahina kong sabi habang niyayakap siya. Mahigpit ang yakap niya. “Hindi na kita hahayaan masaktan ulit,” seryoso niyang sabi. Napapikit ako. Salamat… Sa likod niya, may isa pang lalaki. “Si Miguel,” pakilala ni Greg. “Kaibigan ko… at may connection sa Seven Pillars.” Napatingin si Troy. “Troy,” sabi ni Miguel. Tumango si Troy. “Tulong ako sa investigation,” dagdag ni Miguel. Lumapit ang mga pulis. “Ma’am, sila po ba?” tanong nila sa akin. Tumingin ako kina Mika, Kalo, at Anna. Walang pag-aalinlangan. “Oo.” Tahimik. Isang click, posas. “An

