Cathy POV Mahangin. Malamig. At sa pagkakataong ito, walang takasan. “Troy…” mahina kong sabi. “Manatili ka lang.” Ramdam ko ang tensyon sa paligid. Si Mika—nakangisi. Si Kalo—nakamasid. At si Anna… Hindi makatingin sa akin. Good. “Akala mo panalo ka na?” sabi ni Mika. Napangiti ako. “Hindi pa nagsisimula ang laban.” Kinuha ko ang phone ko. At pinindot ang play. Sa gitna ng katahimikan, umalingawngaw ang video. Madilim. Ilog. Gabi. At malinaw, sila. Si Mika. Si Kalo. At, si Anna. “Hindi…” bulong ni Anna. Nanlaki ang mata ni Mika. “Saan mo nakuha ’yan?!” Lumapit ako. Dahan-dahan. “Sa katotohanan,” sagot ko. “Troy…” dagdag ko. “Look carefully.” Troy POV Hindi ako makagalaw. Nakatitig lang ako sa screen. Hindi ko matanggap. “Mika…?” Napatingin ako

