Cathy POV Hindi ko agad iminulat ang mga mata ko. Hinayaan ko muna ang sandali. Yung tahimik. Yung init ng presensya niya. Pero hindi pwede. Dahan-dahan akong dumistansya. “Troy…” mahina kong sabi. “Hm?” “Hanggang dito lang muna.” Napakunot ang noo niya. “Bakit?” Huminga ako nang malalim. “Kasi kapag mas lumapit pa tayo…” napatingin ako sa kanya, “baka hindi ko na kayang umatras.” Tahimik siya. Hindi siya agad sumagot. “At ayoko mangyari ’yon,” dagdag ko. “Bakit?” tanong niya. Napangiti ako. Mapait. “Kasi hindi pa buo ang katotohanan.” Natigilan siya. “Anong ibig mong sabihin?” Umiling ako. “Darating tayo doon.” Lumayo ako ng konti. “Pero hindi pa ngayon.” Troy POV Hindi ko maintindihan. Pero hindi ko siya pinilit. “Okay,” sabi ko. “Maghihintay ako.” Napat

