Cathy POV Lumipas ang isang taon. Mas lalo kaming naging busy ni Troy. Siya, sa mga business niya. Minsan may mga business trip pa abroad. Ako naman, sa clinic at hospital. Halos gabi na kami lagi nagkikita. Pinarada ko ang sasakyan. Pagpasok ko sa bahay, malaki. Malinis. Maayos. Pero, sobrang tahimik. May lungkot. Tahimik akong pumasok sa silid. Naupo. Sandali. Hanggang sa tumayo na ako para maglinis ng katawan. Habang nagbibihis, napatingin ako sa CCTV. May pumaradang sasakyan. Si Troy. Alas diez na ng gabi. Ganun ba talaga sa office…? Ang dami niyang ginagawa… Napabuntong-hininga ako. Sabagay… ako rin naman minsan… Pumasok siya sa silid. Agad niya akong niyakap. “Hello, mahal ko…” “Sobrang busy sa office,” sabi niya habang pinapaluwag ang necktie ni

