Cathy POV Maya-maya, bumukas ang pinto. Pumasok si Stacey. “Sir…” malambing niyang sabi. “Pahinga muna po tayo.” “Sobra na po kayong pagod.” Napahigpit ang hawak ko sa libro. “Sige, Stacey…” “Give me 30 minutes…” “At kakain na tayo.” Ngumiti si Troy. “Wow…” “Anong masarap kainin?” Parang batang sabi ni Stacey. Natawa si Troy. “Para kang bata.” “Basta babawi ako sa pagkain…” “Food is my happiness.” “At para mawala stress natin.” Narinig ko lahat. Bawat salita. Bawat tono. At hindi ko mapigilan, magpanting ang tenga ko. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Professional… Dapat kalmado… Pero sa loob ko, may sumisigaw. Bakit parang kilala ko ’to…? Bakit parang… ako ’to noon? Yung masayahin. Yung mahilig sa pagkain. Yung inosente. Yung Cathy na minahal ni Troy.

