Cathy POV Tahimik ang buong bahay. Walang nagsasalita. Nakatayo lang kami ni Troy, magkaharap. Punong-puno ng hindi nasasabi. “Cathy…” mahina niyang tawag. Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya. “Hindi ito tungkol kay Stacey lang, ’no?” Diretso niyang tanong. Nanlamig ako. Alam niya…? “Ano ibig mong sabihin?” pilit kong tanong. Tinitigan niya ako. Mas malalim. “Matagal ka nang iba.” “Ramdam ko.” Napahigpit ang kamay ko. “Hindi ka na tulad ng dati.” “May tinatago ka.” Diretso. Parang kutsilyo. Tumibok nang malakas ang puso ko. “H-hindi totoo ’yan…” mahina kong sagot. Lumapit siya. “Cathy…” “Mag-asawa tayo.” “Kung may problema—sabihin mo.” “Hindi kita iiwan.” Napapikit ako. Kung alam mo lang… “Sabihin mo sa akin…” pakiusap niya. At doon, muntik n

