Cathy POV Huminga nang malalim si Troy. “It’s better… we have space.” Parang may tumusok sa dibdib ko. “Sa guest room muna ako matutulog.” Diretso niyang sabi. Wala akong nasabi. Wala akong nagawa. Tinitigan ko lang siya, habang unti-unti siyang lumalayo. At tuluyan akong iniwan, mag-isa sa kuwarto. Cathy POV (inner) Tahimik. Masyadong tahimik. Yung kama, malaki. Pero parang kulang. Wala siya. Napaupo ako. Hinawakan ang unan. At doon, napaiyak ako nang tuluyan. “Bakit ko ba ginawa ’to…” bulong ko. Hindi ko namalayang, yung takot ko, siya na ang sinira ko. Troy POV Sobrang bigat ng dibdib ko. Parang hindi ako makahinga. Parang, isang taon akong niloko. Hindi ko alam kung saan ako mas nasasaktan, sa ginawa niya… o sa katotohanang, hindi niya ako pi

