Cathy POV Hindi pa sapat. Kahit malinaw na si Mika ang nasa video, kulang pa rin. Kailangan ko ng mas matibay. Kailangan ko ng aamin. Kaya kinuha ko ang phone ko. At tinawagan ang isang taong matagal ko nang minamanmanan. Kalo. “Hello?” sagot niya. Tahimik ako sandali. Pinatagal ko. Para maramdaman niya ang bigat. “Kalo…” malamig kong sabi. Biglang natahimik siya. “…Cathy?” nanginginig niyang bulong. Napangisi ako. “So you remember.” “Imposible…” sabi niya. “Patay ka na—” “Am I?” putol ko. Tahimik. Naririnig ko ang mabilis niyang paghinga. “Ano ang gusto mo…” tanong niya. “Mag-usap tayo,” sagot ko. “Harap-harapan.” “Bakit ako papayag?” Dahan-dahan akong napangiti. “Dahil kung hindi…” mahina kong sabi, “ipapakita ko sa lahat ang alam ko.” Mahabang katahimikan

