Troy POV Nasa isang classy restaurant kami ni Mika. Tahimik. Maayos. Pero sa loob ko, magulo. Matagal ko nang iniisip ’to. Gusto ko nang makipaghiwalay. Hindi dahil may ginawa siyang mali. Kundi dahil, wala naman talaga akong nararamdaman para sa kanya. Nagulat na lang ako noon na kami na. Siguro dahil nandiyan siya nung panahong wasak ako. Nung iniiyakan ko pa si Cathy. Pero ngayon… kung magiging totoo ako, hindi siya ang laman ng puso ko. Napapikit ako sandali. At isang mukha ang lumitaw. Dr. Catherine Reyes. Parang si Cathy. Sa ngiti. Sa paraan ng pagsasalita. Sa kilos. Pero imposible. Patay na si Cathy. Limang taon na. “Troy?” Napabalik ako sa realidad. Nakatingin sa akin si Mika. “Hon, I have something to tell you,” malambing niyang sabi. “What is it?

