Cathy POV Huminto ako. Pero hindi ako lumingon. Hindi pa… Narinig ko ang boses ni Troy sa likod ko. “Catherine…” May bigat. May pagkalito. “Pakiramdam ko… ikaw ang sagot sa tanong ko.” Napapikit ako sandali. Ang bilis mo, Troy… “At baka…” sabi ko, mahina, “…hindi mo pa kayang marinig ang sagot.” At naglakad ako palabas ng simbahan. Troy POV Hindi ako gumalaw. Nakatingin lang sa pintuan kung saan siya lumabas. Hindi ko pa kayang marinig? Ano ba ang hindi ko kayang marinig? Anong katotohanan ang tinatago niya? Napahawak ako sa dibdib ko. Mabigat. “Cathy…” bulong ko. Bigla kong napagtanto, hindi na ito coincidence. Hindi na ito simpleng pagkakahawig. May koneksyon. At hindi ako titigil, hangga’t hindi ko nalalaman ang totoo. Cathy POV Paglabas ko, malakas ang

